Jul 14, 2007

Pinoy Big Brother: Bea puro may sabit ang kursunada

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
MAY mga sabit na raw ang gustong maka-partner ni Beatriz Saw.

Dainty and delicate pala sa personal ang second season Pinoy Big Brother winner na si Bea at napakabungisngis. Nang pumasok pala siya sa bahay ni Kuya, she has the intention to win. At napaka-honest niya ha, nang tinanong pa lang siya sa audition ng PBB kung bakit siya nag-audition, it has nothing to do with making it a stepping stone to showbiz, career. She wants to win the money raw.

Ngayong nasa showbiz na siya, Bea wants to try all. Gusto niyang mag-host, gusto niyang mag-drama, gusto niya ng lahat. Asked kung sino ang gusto niyang maka-partner, hindi na raw puwede eh kasi lahat may partner na. But just in case, she wants to be paired with Sam Milby, John Lloyd Cruz, John Prats, Luis Manzano and Enchong Dee.

Hindi mapili ang girl, ‘no?
Dinno Erece
People's Taliba

No comments: