Jul 27, 2007

Nadine Samonte: No aspiration to become next GMA-7 'queen'

With Angel Locsin leaving GMA-7 for ABS-CBN, limang Kapuso princesses ang puwedeng pumalit sa kanya as the sole queen of GMA-7 in the young star department—apat galing sa StarStruck 1 na sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, and Katrina Halili, and the fifth is Marian Rivera.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pawang malalaking projects ang nakahanay kina Yasmien, Nadine, Katrina, and Marian.

Magkakasama sina Marian, Nadine, at

Katrina sa upcoming primetime soap na Marimar. Tinawag nang "GMA Drama Princess" si Yasmien sa success ng kanyang Pati Ba Pintig ng Puso? at may nilalagare na rin siyang Tasya Pantasya na papalit sa Boys Nxt Door. Si Nadine naman, bukod sa Marimar, magbibida rin sa replacement afternoon soap ng Sinasamba Kita, ang Sine Novela version ng Kung Mahawi Man ang Ulap.

Playing the role originally done by Ms. Hilda Koronel, ang makaka-partner ni Nadine dito ay si Dennis Trillo—Angel's perennial partner noon from Love To Love Season 3 episode "Kissing Beauty" (kung saan una namang na-introduce si Nadine after StarStruck), Mulawin, Darna, at Majika; pati na rin sa pelikulang Txt.

Sa presscon ng Kung Mahawi Man ang Ulap kagabi, July 26, sa Annabel's restaurant, nabanggit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Nadine na ngayong bakante na ang trono ng GMA-7 sa pag-alis ni Angel, puwede na siyang makipaglaban for the position.

Outright siyang umayaw at hindi raw siya makikipaglaban sa iba.

"Ay, di ako makikipag-agawan sa kanila," sabi niya. "Ayoko [pang] maging reyna. Kasi kapag reyna ka na, wala ka nang pupuntahan. Masaya na ako sa ganito.

"Hindi naman ako ang tumatawag sa sarili ko bilang prinsesa ng GMA, pero okay na rin ‘yon sa akin. At least kung prinsesa ka pa lang, marami ka pang puwedeng ma-aspire," paliwanag niya.

Tinanong din namin si Nadine na kung si Yasmien ang Drama Princess ng GMA-7, ano ang gusto niyang maging titulo.

"Action Princess!" sagot ni Nadine na may aspiration palang sundan ang yapak ni Angel.
GMANEWS.TV

No comments: