Mother Lily Monteverde: "Maricel is my original Regal baby. Regal without Maricel is nothing!"
Itsurang may ‘mutual admiration society’ sina Maricel Soriano at Mother Lily Monteverde nang sabay silang makausap ng press sa story conference ng pelikulang Bahay Kubo sa opisina ng Regal sa Tycoon Building, Ortigas nu’ng Biyernes.
I Will Survive (2004) ang huling pelikula ni Maricel sa Regal Entertainment at masaya siya na balik siya sa kanyang orihinal na tahanan para sa nasabing movie na kalahok sa 2007 MMFF sa Disyembre.
"Nakaka-excite! Parang nagpa-flashback ako sa mga pelikula namin noong araw ni Mother na Santa Claus is Coming to Town at saka ‘yung mga Inday movie series na maliliit pa sina Aiza (Seguerra) at Matet (de Leon)!"
"’Yung mga Inday, Inday sa Balitaw, Super Inday and the Golden Bibe, Inday Bote, lahat ‘yon idea ni Mother!" nakangiting bulalas ng Diamond Star.
"It’s nice to be home and there’s no place like home dahil nanay mo ang katrabaho mo. Masaya ako na bumalik ulit ako sa wings ni Mother Lily dahil dito ako nag-start.
"Tuwing gagawa ako ng movie with Regal, masaya ako kasi si Mother, nanay eh! Magagalit ‘yan sa ‘yo, ‘Marya, ikaw talaga! Ganyan-ganyan!’
"Pero syempre, may time naman na ga-graduate din tayo sa gano’n, di ba? Ha! Ha! Ha!
"Very happy ako kasi, ganu’n talaga ang mga nanay, di ba? Siyempre, nanay na rin ako kaya alam ko ‘yung pakiramdam ni Mother.
"At kahit noong araw pa, hindi ako hinigpitan ni Mother at binigyan niya ako ng chance na makagawa sa ibang productions. Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya dahil doon," pakli ng aktres.
Panay papuri rin ang sinabi ng Regal matriarch patungkol kay Marya.
"Maricel is my original Regal baby. Regal without Maricel is nothing!" buong ningning na dayalog ni Mother, na ikina-touch ng premyadong aktres.
Dagdag pa ni Mother, "Alam mo, habang tumatagal, there is always a realization sa buhay mo. While I’m getting older, she’s getting older.
"That’s the way I feel about her. Now that I’ve seen her, I’m so excited. It’s really coming from my heart and I really love her so much!
"There is a saying that ‘I shall return’ and she returned. That’s why I feel so touched. I feel so happy and I love her so much!
"This movie can be considered as the best movie in the film festival. And she will be the Best Actress! That’s the way I see it!"
"Parang gusto kong umiyak!" reaksyon ni Marya.
"Ito, hindi kailangang maging Mother’s Day para masabi ko kay Mother dahil nasasabi ko naman ito sa kanya, na maraming-maraming salamat sa lahat ng oportunidad na ibinigay niya sa akin at higit sa lahat, doon sa love na ibinibigay niya sa akin at sana, matumbasan ko ‘yon palagi dahil iba talaga magmahal ang nanay, di ba?" sambit pa ng Diamond Star.
Mala-Hollywood movie na All Mine to Give na pinaghalong Filipino version ng Mano Po film series (na tungkol sa kulturang Tsinoy) ang description ni Mother Lily sa Bahay Kubo na ididirek ni Joel Lamangan.
Kasama ni Maricel sa nasabing family drama (na may halong comedy) sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Marian Rivera at iba pa.
Sa Agosto 19 (birthday ni Mother Lily) ang first shooting day ng Bahay Kubo.
Allan Diones
Abante-Tonite
No comments:
Post a Comment