Jul 30, 2007

Becky: ‘Kailan ako nag-demand sa Regal?’

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pati si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment ay may namumuo na rin palang tampo o sama ng loob kay Becky Aguila, manager nina Angel Locsin at Jennylyn Mercado, among others.

Demanding daw ang manager ni Angel base sa huling insidenteng nangyari sa kanila.

Nakausap namin si Tita Becky that same Saturday evening na nag-dialogue si Mother Lily

sa presscon ng My Kuya’s Wedding at nilinaw niya ang tungkol sa mga pahayag ng lady produ.

“Yes, I texted her, but that was my second text already. I texted her before that after I arrived from San Francisco and politely asked if she’s available on Friday para makapag-usap kami regarding the contract.

“Gusto ko sanang ma-settle na ’yon bago ako umalis for London. Sabi niya, sige, itse-check daw niya.

“Pero hindi na niya ako binalikan. So, when Friday came, I texted and suggested if she was available on the dates I mentioned as to match with ours as well.

“Si Mother naman, kelan ba ako nag-demand sa Regal? Mahal ko si Mother and I respect her,” saad ng manager.

Simpleng miscommunication lang daw ang nangyari since iba nga kasi minsan ang dating kapag sa text nag-uusap.

Tungkol sa kontrata, say ni Tita Becky ay kailangan nga nilang mag-usap ni Mother tungkol dito pagbalik niya from London.

Ngayong araw na ito ang flight ng manager paalis ng London and she’s expected to be here by tomorrow, Tuesday.

Sa kanyang pagbabalik, haharapin niya ang lahat ng problema, kabilang na ang mga naiwan niyang talents sa GMA-7 na nadamay sa galit sa kanya ng network, partikular na si Jennylyn, who just lost the lead role sa Pasan Ko ang Daigdig.

* * *

Still on Tita Becky, ikinalulungkot daw niya ng labis ang nangyayaring naapektuhan ang kanyang mga naiwang talent sa GMA-7, lalung-lalo na nga si Jen.

“Nakalulungkot because wala naman silang kinalaman sa gulo, nadaramay sila, especially Jennylyn, na breadwinner pa naman at kailangan ng trabaho.

“Hiyang-hiya nga si Angel kay Jen sa nangyari dahil nadamay nga siya. I just hope na huwag naman at hindi rin naman ako makapaniwala na magagawa ’yon ng GMA-7 because Christian station nga sila,” pahayag pa ng manager.

Labis ding ikinalulungkot ni Tita Becky ang sunud-sunod na pagpapasabog ng malalaking intriga kay Angel nitong lumipas na linggo.

Last Saturday, sa Startalk ay mariing kinondena ng network ang ginawang paglayas ng manager at talent sa bakuran nila at paglipat sa ABS-CBN-2.

Hinimay-himay nila ang posibleng dahilan ng pag-alis at nagbigay sila ng pahayag tungkol dito.

Una ay tungkol sa pera. Ayon sa management, mahigit P60M ang naisara nilang product endorsement kay Angel from 2006-2007.

Tungkol naman sa burnout issue, ayon sa GMA, tuwing matatapos ang schedule ni Angel ay nagkakaroon naman ng bakasyon ang young actress at nasa manager na lang kung paano nito iha-handle ang nasabing schedule.

Nang makausap namin si Tita Becky, aniya’y hindi dapat sa kanya isisi ang scheduling dahil for two years, may feud sila ni Angel and were not on speaking terms.

“During those times, Artist Center talaga ang may hawak ng schedule niya at wala akong say diyan. When Angel and I reconciled in December, nitong March na lang ako nakapag-take-over sa sched niya, kung kailan pa-expire na ang kontrata niya,” pahayag ng manager.

Tungkol sa P60M deal, ani Tita Becky ay confidential ang mga bagay na ’yan and should not be discussed.

Kahapon, nagbigay na rin ng kanyang panig si Tita Becky sa The Buzz bilang paglilinaw sa lahat ng ibinabatong issue sa kanya ng GMA-7.
Vinia Vivar
People's Tonight

No comments: