Jennylyn Mercado cried about news of her axed role in GMA show
Iniyakan ni Jennylyn Mercado ang balitang hindi na siya ang bidang babae sa sinenobelang Pasan Ko Ang Daigdig. Balitang pinalitan na siya ni Yasmien Kurdi.
Ang huli ay nag-aalala na baka sumama ang loob sa kanya ng kanyang kasamahan sa batch 1 ng Starstruck.
Hindi niya hiningi ito at basta na lang siya kinuhang kapalit ni Jen (na alaga ni ‘Ma’am Becky’).
Maganda ang feedback sa tambalan nila ni JC de Vera sa Pati Ba Pintig Ng Puso na mataas ang ratings, kaya marapat lang na mabigyan ng follow-up ang kanilang loveteam.
At any rate, dahil sa sama ng loob ay umalis ng bahay si Jen para mapag-isa. Balitang sa Las PiƱas siya nagtuloy kung saan may best friend siyang karamay sa kanyang depression.
Nag-text sa amin ang ina ni Jen na si Mommy Lydia. Bakit pati ang anak niya ay nadamay sa gulo o intrigang kinakaharap ng manager nito sa GMA 7?
Siguro, mahirap sa mga taga-GMA 7 na makipag-deal o makipag-usap kay Ma’am Becky matapos ng ginawa nito sa kanila.
***
Gusto naming paalahanan muli ang GMA Artist Center na ang dapat nilang pagtuunan ng pansin para sa mga workshop ay ang kanilang talents para magkatrabaho ang mga ito.
Kung sinu-sinong outsiders ang ginagawan nila ng workshops para lang pagkakitaan.
Bakit hindi ang mga nakakontrata sa kanilang talents ang i-workshop nila nang i-workshop upang mahasa ang mga ito at magkatrabaho?
Walang trabaho ang marami sa kanila dahil hindi sila marurunong umarte.
Hindi magtitiyagang kumuha ang mga direktor ng mga banong umarte. Wala silang panahong magturo.
Mas gusto ng mga direktor ang marurunong na at nasusunod ang mga arte na gusto nilang ipatupad.
Nasaksihan namin ang napakaraming nag-workshops na inisponsoran ng GMA Artist Center na hindi pakikinabangan ng network.
Saan aarte ang mga iyon? Sa kalye?
Kawawa ang mga talents ninyo na napakaraming mga magagandang lalaki at babae. Hindi naman pang-cover lang ng magazines ang mga iyan, ‘noh?! Trabaho ang kailangan nila.
Halimbawa, si Kevin Santos ng Starstruck 2 na kapanabayan ni Mike Tan. Kasali siya ngayon sa Kung Mahawi Man Ang Ulap at sabi ni Direk Mac Alejandre ay ngayon lang niya nakatrabaho ang bagets.
Si Kevin ay kasali rin sa grupong Studs na itinatag ng GMA 7.
***
In fairness kay Ma’am Becky, isinasalang niya sa series of workshops ang mga alaga niya bago isalang sa shows para hindi siya mapahiya.
How true nga pala na naguguluhan si Valerie Concepcion sa nangyayari sa kanyang manager na pati siya ay nadadamay?
Ayaw raw umalis ni Valerie sa GMA 7 pero may one-year contract pa siya with Ma’am Becky.
Balita namin ay inaabangan niya ang pagbabalik ni Ma’am Becky para maayos ang gusto niyang mangyari.
***
Contrary sa ilang naglabasang tsika ay naniniwala kami na nasa London talaga sina Angel Locsin at ang manager niyang si Ma’am Becky.
Ito ay base sa napanood namin sa TV Patrol World kung saan ipinakita sina Angel at Ma’am Becky na naglalakad sa mga lansangan ng London.
Nakita namin sa video na iyon ang pamosong London taxi at ang mga pulang bus na nagkalat sa mga lansangan. Napanood pa namin si Angel nang nasa loob ng Tube o dito sa atin ay ang MRT at sa New York ay subway.
Walang katotohanan na nasa Los Angeles, California lang si Angel.
Nagtataka lang kami kung bakit sa London kumuha ng crash course sa fashion design si Angel gayong nasa New York ang sentro ng fashion design.
In fact, may distrito sa New York solely for the garment district. Nagtatanong lang po.
Joe Barrameda
Abante-Tonite
No comments:
Post a Comment