Jul 17, 2007

Martin's Katrina sent a panty to Pops? LOL

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Normal lang sa isang ina na ipagtanggol ang mga anak kapag may umaapi sa kanila, kaya walang kumukuwestiyon kay Pops Fernandez kung ’yun man ang ginagawa niya kina Ram at Robin Nievera.

Tinawag daw kasing “monkey” ng kinakasama ni Martin Nievera ang mga anak niya nu’ng magtatalon ang mga ito sa kama ni Martin.

Matagal na raw ito, separated pa lang at hindi pa annulled ang kasal nina Martin at Pops.

So, ibig sabihin, may namamagitan na noon pa man kina Martin at Katrina Ojeda?

Ayan tuloy, naalala raw ni Pops bigla ’yung kawirduhan ni Katrina na nagpadala ito ng regalo sa kanya. Isang underwear o panty (ni Katrina?) ang laman ng kahon with matching letter na ang nakasulat ay: “I was with your husband yesterday.”

Ang taray, ’no? True ba ’to?
Oggie Diaz
People's Tonight

No comments: