Jul 23, 2007

Martin, professional liar?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hindi ikinakaila ng ‘concert queen’ na si Pops Fernandez na hindi sila on-speaking terms ngayon ng kan­yang ex-husband na si Martin Nievera mata­pos umano siyang mu­ra-murahin at bag­sakan ng telepono matapos niya itong sitahin

tungkol sa tinuran umano ng live-in partner ngayon ni Martin na si Katrina Ojeda na tinawag ang dalawa nilang anak na sina Ro­bin at Ram na mga go­rilla. Although ma­tagal na itong nang­yari (nine years ago sabi ni Martin), nga­yon la­mang ito nakarating sa kaalaman ni Pops kaya nagngingit­ngit ito hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kan­yang mga anak.

Ipinaliwanag umano sa kanya ni Martin na biro lamang ang pagka­kasabi noon ni Katrina pero kahit biro ay hindi ito ikinatuwa at matang­gap ni Pops para sa kanyang mga anak.

“Ni biro ay wala siyang (Katrina) kara­patan na tawagin ng ganun ang mga anak ko,” nagpu­puyos sa galit na tinuran ni Pops.

Kahit hiwalay sina Pops at Martin, nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan dahil sa kanilang mga anak na sina Robin at Ram. Ka­hit kailan ay hindi ipi­nagkait ni Pops ang kan­yang mga anak sa ka­nilang ama kahit hiwalay na sila.

“Kung mahal niya (Martin) sina Robin at Ram, he should also pro­tect and fight for them. Bakit niya in-allow na tawagin ang mga anak niya ng ganun kahit biro?” nagngi­ngit­ngit na tinuran ni Pops.

Nasa Las Vegas, Nevada si Pops recently for a series of shows with Kuh Ledesma nang isang common friend nila ni Martin ang magpa­rating sa kanya ng balita na tinawag uma­no ni Katrina na go­rilla sina Ro­bin at Ram. Doon pa la­mang ay nagpupuyos na sa galit si Pops at ito’y ipina­ra­ting din niya sa kakam­bal ni Martin na si Vicky. Pagkabalik ng Pili­pi­nas ay tinawagan ni Pops si Martin na nasa Vegas pa noon at dito nagsi­mu­la ang kanilang pagta­talo hanggang sa duma­ting sa punto na binag­sa­kan ng telepono ni Mar­tin ang dating asawa.

Tinawag ni Pops ang kanyang dating mister na professional liar na kahit noon pa mang nag­sa­sama pa sila ay isa na umano itong si­nungaling.

“He’s a father who cannot even protect and stand up for his boys,” diin pa ni Pops.

“She (Katirna) broke up my family, now she calls my sons names? As a mother, I’m very upset and I’m hurt. Sak­tan mo na lang ako hu­wag lang ang mga anak ko,” pakiusap pa niya.
Aster Amoyo
Pilipino Star Ngayon

No comments: