Jul 30, 2007

Maraming kapalit si Angel sa GMA-7

SA totoo lang, kahit di umamin ang ibang contract stars ng GMA-7, ilan sa kanila ang medyo nagtatampo dahil sa espesyal na atensyong tila ibinigay ng leading network kay Angel Locsin.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
At ngayong kumpirmado na ang lipat-bahay nito ay naisip naming marami pa nga palang female stars doon na puwedeng mag-fill sa posisyong iiwan ng alaga ni Becky Aguila.

Kung pagbibigayin kami ng Top 5 ay ito ang aming listahan:

Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Cristine Reyes, Iwa Moto at Rhian Ramos.

Itatanong siguro ninyo kung bakit wala rito sina Sunshine Dizon at Iza Calzado na pambato rin ng Kapuso. For us, itinutu-ring naming iba na kasi ang estado ng dalawang aktres.

Nakaposisyon na sila at napatunayang as big a star as Angel dahil nagi-ging bida sa kani-kanilang soap.

At ngayon nga, sa di pagtanggap ni Angel ng Marimar ay si Marian Ri-vera ang nagkaroon ng big break, di ba?

May dalawa pang talents si Becky Aguila sa GMA Artist Center. Sina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion. May existing contracts pa ang mga ito ngayon. Bigla na lang kayang pag nag-expire rin ang kontrata nila’y maba-litaan nating nagrereklamo rin na ngarag sila at drained out dahil maraming trabaho ang ginagawa nila sa Siyete?

Abangan ang susunod na kabanata!
Nene Riego
People's Taliba

No comments: