GMA-7's Marimar: Homegrown talents ng GMA-7 nasagasaan ni Marian Rivera
PAANO naman ang iba pang homegrown talents ng GMA like Jennylyn Mercado, Yasmine Kurdi, Nadine Samonte, Rhian Ramos, and Isabel Oli ngayong binig-yan ng napakalaking break ng GMA-7 si Marian Ri-vera?
Puro afternoon soaps ang natoka lately kina Yasmien and Nadine. At least, nakakapag-primetime pa sina Rhian and Isabel. Pero siyempre, hindi rin puwedeng pabayaan
ng Siyete ang career ni Jennylyn – porke alaga rin ito ni Becky Aguila na manager ni Angel -- dahil baka magwala ang fans ni Jen pag ginawa ‘yun ng network sa kanilang idolo, huh!
May fans na nag-i-email sa amin expressing their fear na sana raw ay hindi maapektuhan ang idolo nilang si Jennylyn sa nangyari kina Angel at Becky sa Siyete.
Heto ang email ng isang Jennylyn supporter na si Maxene Yap
“Sana hindi maapektuhan si Jennylyn sa paglipat ni Angel sa ABS...
More power to Jen and I hope GMA will give her a good project and show.
God bless!”
Well, bukod sa may contract si Jen sa Kapuso, mukhang hindi naman mamemersonal ang network for her career. If not, baka magtampo ang fans, ‘no!
Di pa namin nakakapanayam nang personal si Rhian (di lang natitiyempuhan sa mga presscon dahil iba ang nakakaharap naming co-stars nito sa shows niya), pero we can say na confident and articulate rin itong magsalita, mereseng full English, na hindi kaya ng ibang young actress.
Si Isabel naman, parang something has to be enhanced pa or pushed, para sa sinasabing mass appeal.
Pero ang bottom line ng lahat nang ito, bago mag-isip (mag-ilusyon?) ang mga naiwang GMA female stars na maging bagong “reyna” ng GMA, after Angel left for Dos, eh, patunayan muna nila ang isang napakahalagang bagay — na marunong silang umarte!
Si Chynna Ortaleza nga, may acting naman pero parang hanggang doon na lang siya at tipong hanggang support na lang at di na pambida, kahit super loyalista ito ng Siyete through the years.
Nasa timing din ‘yan, management tactics, professional decision-making, luck, and most of all — charm and mass appeal, para magtagal sa industriyang ito at mahalin ng publiko.
* * *
GOING back to Marian, hindi naman daw naaaligaga ang Siyete sakaling una-han sila ng Margarita, ang bagong soap naman ni Wendy Valdez na siyang maglulunsad sa kanya into stardom sa small screen, dahil bida kung bida siya rito.
Ngayong Lunes na ang simula ng Margarita ni Wendy at 6:00 p.m., bago mag-TV Patrol, samantalang naunang nagpa-press release ang GMA ng Marimar ni Marian at mas nauna ring nag-taping.
Isang sexy female dancer ang role ni Wendy sa soap niya, na halos pareho dahil sexy dancer din ang projection ni Marian sa kanyang show.
Hinihintay pa ang pagtatapos ng mga primtime soaps ng GMA bago makasalang ang Marimar pero ang ABS-CBN ay nauna nang nakahanap ng time slot on a primetime rin.
So, di naman directly magkakatapat ang time slots ng Marimar and Margarita.
Kahit pagsabungin ng press sina Marian and Wendy, ang publiko pa rin ang maghuhusga sa kanilang acting and siyempre pa, sa very important na ratings.
So, matira na lang ang matibay between Marian and Wendy!
‘Yun lang and babu!
Mell T. Navarro
People's Taliba
No comments:
Post a Comment