Dennis Trillo defends Angel Locsin
GULAT, nalungkot at laking panghihinayang ni Dennis Trillo, bidang lalaki sa Sine Novela na Kung Mahawi Man Ang Ulap, nang malamang inilipat na si Angel Locsin ng manager niyang si Becky Aguila sa ABS-CBN, ang karibal na istasyon ng GMA Network na gumawa at nag-hubog kay Angel bilang isang bankable TV and movie star.
”Nakalulungkot kasi ang dami na naming projects na pinagsamahan and ine-expect ko na mas marami pa kaming gagawin in the future. Pero ‘yung paglipat niya,
mukhang malabo nang mangyari ‘yun at saka parang mahihirapan na akong maghanap ng isang kapartner na sobrang komportable na ako,” pagtatapat ng binata.
Sabi rin ng magaling na aktor na more on nalungkot nga raw siya nang makumpirma sa kanyang manager na si Poppy Caricativo ang tungkol sa paglipat ni Angel sa kabilang network. Malaki ang paniniwala niyang isang malaking kawalan si Angel sa GMA. Lalo na’t isa raw si Angel sa mga dahilan kung bakit rin naging number one ang network.
Paniniwala pa ni Dennis, mula nang gawin nila ni Angel ang fantaseryeng Mulawin ay umangat na sa pagiging numero uno ang dati ay second fiddle lang na network sa ABS-CBN.
“Para sa akin, groundbreaking project talaga ‘yung Mulawin na nagpabago sa GMA. At si Angel ay isa sa mga artista ru’n,” tinuran ng aktor.
May mali ba sa move o desisyon ng kampo ni Angel na ilipat ang aktres sa ABS-CBN?
“Ayoko namang sabihing mali dahil siyempre kani-kanyang diskarte lang naman ‘yan eh, pero entitled naman sila sa kanilang mga desisyon. Pero ang masasabi ko lang, nakalulungkot kasi malaking kawalan talaga si Angel sa GMA. Parang hindi na GMA kapag wala si Angel,” lahad niya.
Ipinagtanggol ni Dennis si Angel sa mga nagsasabing ingrata ang aktres dahil sa ginawa nito sa Kapuso Network.
“Medyo mabigat na paratang or accusations ‘yan eh pero hindi ko masasabing ingrata kasi katulad nga ng sinabi ko, sariling diskarte nila ‘yon. Ginawa naman niya ‘yung desisyon na ‘yun with a reason. May mga sarili silang dahilan o kundisyon kung bakit nila ginawa ‘yon.”
Sa pagkawala ni Angel, naniniwala pa rin si Dennis na may mga potensyal na ring susunod sa yapak ni Angel tulad daw nina Nadine Samonte (leading lady niya sa Kung Mahawi Man Ang Ulap) at Marian Rivera (lead actress sa Pinoy version ng Marimar).
Lito MaƱago
People's Taliba
No comments:
Post a Comment