Jul 30, 2007

Lipatan at sulutan sa showbiz

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang balitang paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN lalo pa’t nagpahayag na ang manager ng aktres na si Becky Aguila at ang amang si Angel Colme­nares na malaki ang tsansa na pumirma sa ABS-CBN si Angel.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Homegrown talent ng GMA-7 si Angel. Anu­man ang sabihin, ang GMA ang sumugal kay Angel para marating niya ang kanyang kinalalag­yan ngayon. Ganunpa­man, prerogative ni Angel at ng kanyang manager

kung anuman ang desisyon na gusto nilang gawin dahil expired na nga ang kontrata ni Angel sa GMA at ito’y nagtapos nung Marso 31. Kahit ginagawa pa noon ni Angel ang Asian Treasures nila ni Robin Padilla ay libre na siya at hindi na nakatali sa Kapuso Network.

Ang salitang lipatan, sulutan, ingrata at iba pa ay hindi na bago dahil patuloy itong nangyayari sa showbiz. May mga talents ang ABS-CBN ang nasa kuwadra na nga­yon ng GMA-7 and vice-versa. Si Jolina Mag­dangal ay homegrown talent ng ABS-CBN pero nasa bakuran na siya ngayon ng GMA. Sa ABS-CBN din nagsi­mula ang career ni Pia Guanio pero nasa GMA na rin siya ganundin si Mel Tiangco at marami pang iba.

Kung tutuusin, si Angel ay kasama dapat noon sa mga young mem­bers ng Batch 9 ng Star Circle ng ABS-CBN pero sa halip ay nagdesisyon ang kan­yang manager na ilipat siya ng GMA. Si Toni Gonzaga ay sa GMA nagsimula pero siya’y nasa ABS-CBN ngayon. Nasa ABS-CBN na rin si Jake Cuenca na nagsi­mula sa GMA ganundin si Bernadette Sem­brano.

Sa ABS-CBN din nagsimula si Dennis Trillo pero ngayon ay Kapuso na siya. Galing din ng GMA sina Ryan Agoncillo, TJ Manotoc at Phoemela Barranda at iba pa. Galing naman ng ABS-CBN sina Pau­leen Luna, Paolo Con­tis, Carlo Aquino, Pa­trick Garcia, Camille Prats at maraming iba pa. Huwag na tayong lumayo. Sina Boy Abun­da at Kris Aquino ay parehong nagsimula sa GMA-7 pero ngayon ay mas identified na sila sa Dos.

Si Butch Francisco ay nagsimula sa GMA pero tumatak siya nang husto sa Dos bi­lang co-host noon ni Cristy Fer­min sa Showbiz Lingo at ang listahan ng mga naglipatan ay wala nang katapusan. Kulang ang ispasyong ito kung iisa-isahin natin.

Samantala, nasaktan man ang pamunuan ng GMA sa ginawa sa ka­nila ni Angel, hindi rito hihinto ang kanilang pagtuklas at pagbi-build-up ng mga upcoming stars at isa na rito ang next potential star na si Marian Rivera.
Aster Amoyo
Pilipino Star Ngayon

No comments: