Jul 30, 2007

Lolit Solis: Kita ni Angel dapat uriratin ng BIR!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sunud-sunod ang ka­palpakan na nang­ya­yari kay Angel Locsin. Ang kanyang manager ang nagkuwento sa mga reporter sa Pili­pinas na nasunog ang fashion school sa Lon­don na pinapasukan ni Angel pero nag-ala-Darna ito.

Nainterbyu si Angel sa London ng isang correspondent ng ABS-CBN. Alam n’yo ba ang balita na kumalat noong Sabado?

May problema sa

VTR interview kay Angel dahil malabo ang video at audio pero gumagawa ng paraan ang staff ng The Buzz para ma-air ‘yon ka­hapon.

Bukod sa mga nang­yaring kapalpakan, ka­liwa’t, kanan ang mga isyu laban kay Angel na kailangan niyang sagu­tin sa pagbabalik niya sa Pilipinas sa susunod na linggo.

* * *

May kumalat na text message kahapon la­ban sa Showbiz Cen­tral at sa GMA 7.

Hindi raw dapat pa­noorin ang show dahil puro paninira at kasi­raan ni Angel ang kani­lang ilalabas. Hindi raw dapat ganoon ang ma­ging trato sa isang an­gel.

Alam kaya ng nag-com­pose ng text mes­sage ang kanyang sina­sabi? Baka nalilimutan niya na P64 million pe­sos ang kinita ni Angel noong nakaraang taon!

Malaking kadatu­ngan ‘yon at sa kultura ng mga Pilipino, hindi sila naaawa o nakiki­sim­patiya sa mga tao na kumita ng limpak-limpak na salapi.

Kung nagpaalam nang maayos sa GMA 7 si Angel at ang kan­yang manager na si Becky Aguila, hindi sana mauungkat pati ang kadatungan na ki­nita niya.

Paano kung mag-react ang BIR at kalkalin nito ang tax payment record nina Angel at Becky? Sixty-four million pesos is sixty-four mil­lion pesos ‘noh!

* * *

Marami ang nag-react sa sinabi ko sa TV Patrol na hindi ingrata si Angel dahil lilipat o lumipat siya sa ABS-CBN pero mas marami ang nag-react sa state­ment ko sa Startalk na traydor siya at hindi ingrata.

Ano ba ang tawag sa mga tao na nakikipag-negotiate pa sa GMA 7 pero nakipag-usap na pala sa management ng ABS-CBN?

Pati nga si Mother Lily, naimbyerna sa text message ni Becky na gustong makipag-meet­ing sa kanya pero si Mother ang kailangang mag-adjust sa kanyang schedule at availability.

Ang ending, hindi sinipot ni Mother ang meeting na nire-request ni Becky. Ang feeling ni Mother, hindi siya nire­respeto ng manager ni Angel.

Mother Lily is Mother Lily. Matagal na kaming magkakilala ni Mother pero never akong nag-de­mand sa kanya na makipagkita sa akin sa oras at araw na gusto ko.

Iginagalang ko si Mother bilang movie producer na nagbibigay ng pelikula sa mga alaga ko at may mala­sakit sa movie industry.

* * *

Mula nang makum­pirma ang balita na lilipat na siya sa ABS-CBN, hindi pa nagsasalita si Angel.

Ang manager niya ang palaging sumasa­got sa mga isyu na si Angel ang dapat na nag­bibigay-linaw.

Sa totoo lang, may say din ang mga talent sa mga desisyon ng kanilang manager.

Naniniwala ako na may mga pasya si Becky na si Angel ang may gusto at bilang manager, ito ang sinisisi dahil siya ang suma­sagot sa mga katanu­ngan ng mga reporter.

* * *

Bigla ko tuloy na­alala ang reklamo noon ni Becky laban kay Angel. Masamang-ma­sama ang loob ni Becky dahil minura o pinag­taasan siya ng boses ni Angel at kaharap ang kanyang mga anak nang mang­yari ang insidente.

Ang mga anak ni Becky ang naimbyerna sa inasal ni Angel laban sa kanilang ina.

Muling nauungkat ang away nila noon da­hil sa mga nang­yayari ngayon. Mata­talas ang mga me­morya ng mga reporter kaya hindi pa nila nalilimutan ang ma­laking away noon nina Becky at Angel dahil sa pera.
Lolit Solis
Pilipino Star Ngayon

No comments: