Jul 12, 2007

Grand Winner ng PNTM


Deserving si Gren­del Alvarado na ma­nalo ng Philippines’ Next Top Model (PNTM) hosted by Ruffa Gutierrez. Ito ang kauna-unahang reality modeling series sa bansa na prodyus ng Solar Entertainment at napanood sa RPN 9. Tumanggap si Grendel ng kalahating milyong piso sa ka­gandahang loob ng Mane and Tail Shampoo at ang nagkaloob ng premyo ay si GM Albert Peña (nasa photo at Christian Da­tol, assistant GM.

Ilan pa sa mga bong­gang premyo na natanggap ng magan­dang winner ay modeling representation with Stars Modeling Agency sa Hong­kong, 8-page fashion editorial sa Preview Magazine, P150,000 pesos modeling contract with Saga Events, one year endorsement contract mula sa Cline group of companies, adver­to­rials for L’Oreal Paris para sa isang taon for their local campaigns, one year body contouring program mula sa Marie France, one year complimentary treatment mula sa Facial Care Center at natural golden South Sea pearl necklace mula sa Jewelmer’s Pearl Ambassador to the World.

Maraming nanini­wala na magiging isang matagumpay na model si Grendel kung saan pangarap ito ang grand winner sapul pa sa pagkabata.
Emy Abuan-Bautista
Pilipino Star Ngayon

No comments: