Jul 30, 2007

Ryan, pinag-iisipan kung paanomagpo-propose kay Juday

Sa presscon ng pelikulang My Kuya’s Wedding nu’ng Sabado, kabilin-bilinan ni Mother Lily Monteverde na walang tanong tungkol kay Angel Locsin.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pero hindi ito naiwasan ni Mother dahil sinabi ni Mother Lily na pinag-iisipan niyang gumawa ng pelikulang pagtatambalan nina Richard Gutierrez at Maja Salvador.

Tumawag daw mismo si Tita Annabelle Rama kay Tita Chit Ramos (manager ni Maja) na gusto niyang si Maja ang susunod na katambal ni Richard.

Hindi naman sinagot ni Mother ang tanong namin

kung ayaw na ba ni Tita Anabelle na makasama ng anak niya si Angel.

Medyo na-offend si Mother sa pahayag ng manager ni Angel na si Becky Aguila na tapos na raw ang kontrata ng young actress sa Regal Films.

Gustong linawin ni Mother Lily na under-contract pa rin si Angel sa kanya at may natitirang apat na pelikula pa raw ito.

Ang isa pang ikina-offend ni Mother ay ang text sa kanya ni Becky na gusto nitong makipag-meeting at available daw si Becky sa Biyernes, 5:00-8:00 PM sa EDSA Plaza Shangri-La.

"Medyo demanding kasi ang text niya," maikling sagot ni Mother na nararamdaman din naming hindi nito nagustuhan ang ginawa ng manager ni Angel na tinatawag niyang ‘Ma’am Becky.’

May phone patch interview ang The Buzz kay Becky Aguila at humingi ito ng patawad sa ginawa nila ni Angel. Sana raw ay mapatawad din sila.

Aminado pala silang meron silang pagkakamaling nagawa.
***
Sa presscon pa rin ng My Kuya’s Wedding, hindi naiwasan ni Pauleen na sagutin ang tungkol sa kanila ng Valenzuela Mayor na si Sherwin Gatchalian.

Dati ay mabilis ang sagot niyang "wala" at "hindi pa" kapag tinatanong siya tungkol sa pulitiko, pero ngayon ay matagal muna niyang iniisip kung ano ang isasagot para hindi mabuking na sila na talaga?

Sa bandang huli ng pag-uusap namin, inamin ng young actress na merong mutual understanding pero hindi raw niya masabing sila na.

Walang ibang ini-entertain na suitors si Pauleen at botong-boto ang pamilya niya sa naturang pulitiko. Kaya huwag na tayong magtaka kung isa sa mga araw na ito ay aaminin na rin nito na silang dalawa na nga.

***

Si Ryan Agoncillo naman ay hindi raw nagsasawa sa kasasagot sa mga tanong tungkol sa kanila ni Judy Ann Santos.

Kapag tungkol pa rin sa kasalan, nagsalita na rin si Ryan sa presscon ng My Kuya’s Wedding na sa susunod na taon ay pwede na nila itong pag-usapan.

Sa ngayon ay wala pa raw plano. Hindi pa raw siya nag-propose kay Juday pero malamang na sa susunod na taon na raw niya ito gagawin.

Pinag-iisipan pa raw niya kung anong magandang drama ang gagawin niya para maging memorable ang naturang proposal.

Ayaw niyang gawin ito sa promo ng pam-filmfest na pelikula nila dahil sobrang personal daw ito at dapat na sila lang daw.
Abu Tilamzik
Abante-Tonite

No comments: