Jul 21, 2007

“It’s sad, but that’s the reality" -- Sharon

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
NABALITAAN ni Sharon Cuneta ang tungkol sa nangyari sa pelikulang Ouija nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal under GMA and Viva Films na hindi ito puwedeng i-promote sa ABS-CBN shows partikular na sa Sharon.

Anang Megastar, nalungkot din siya when she heard about it.

“But when you look at it na ang Ouija, eh, si Juday

lang among its stars ang hindi talaga all-out GMA (talent). So, sa tingin ko, parang I wish na my sister (Juday) and Jolina for that matter, first time pa naman nilang magkasama, nanghihinayang ako sa opportunity, pero ganu’n talaga ’yon, eh,” sabi ni Sharon.

Nagkataon namang may gagawin ding pelikula ang Megastar sa GMA Films at reunion movie pa naman nila ito ni Robin Padilla.

What if magkapareho ang kapalaran nila ni Juday na hindi rin pumayag ang ABS-CBN na mai-promote ang film nila ni Binoe sa Dos?

“I hope not. Pero, in fairness din naman to ABS-CBN, understandable naman kung hindi nila payagan. Pero, ang ikinatutuwa ko lang sa GMA, let’s say I am promoting my live concert, pero ang TV airing no’n ay sa ABS-CBN, hindi nila ako pinipigilan.

“So, I appreciate it very much. But of course, I don’t expect naman na i-promote pa nila pati ’yung TV airing sa kabila. Respeto lang naman yan, eh.”

Sa madaling salita, sabi ni Sharon, matatanggap daw niya kung sakaling hindi rin payagan na mai-promote sa Kapamilya shows ang upcoming movie nila ni Binoe.

“It’s sad, but that’s the reality, eh. Maa-accept ko, okay lang. May kanya-kanyang audience naman ’yan. Saka, you know, puwede namang word of mouth (ang pagpu-promote), mga kaibigan sa press will write about it, tapos hindi lang naman isang channel ang pinapanood ng mga tao. Kakalat din naman ’yan, may mga billboard naman if ever, ’di ba?” pahayag ni Mega.
Vinia Vivar
People's Tonight

No comments: