Jul 21, 2007

Marian, puring-puri ni Direk Joyce

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
ANG laki ng iginanda ni Marian Rivera mula nang ipagkaloob sa kanya ng GMA-7 ang lead role sa Marimar.

Todong pagpapaseksi at pag-aaral ng sayaw daw ang inaatupag ng dalaga para hindi mapahiya sa big bosses sa Siyete at sa mga tagasubaybay ng Marimar ni Thalia noon sa RPN 9.

Wala raw itong reklamo’t puring-puri ng lady director na si Joyce Bernal. Nu’ng minsan pa nga raw, hinayang na hinayang si Marian

dahil na-pack-up ang taping sa may tabing ilog.

Malakas ang agos ng tubig, kaya nagpasiya ang staff na kanselahin na ang taping.

Well, abangan na lang natin si Marian sa Marimar this August, dahil siguradong sa lambot ng katawan nito, maraming kalalakihan ang mababaliw at susubaybay sa nasabing programa.
Gerry Ocampo
People's Tonight

No comments: