Jul 26, 2007

Has GMA-7 created a group to smear Angel Locsin's name?

May nagtanong sa amin kung totoong may grupong itinatag ang GMA 7 para sirain si Angel Locsin.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Imposible yata iyan at malaking kalokohan ang gastusan para masira ang isang tao.

Ang basa namin sa mga naglalabasang negative write-up

tungkol kay Angel ay mula sa mga daldalan tungkol sa isyu na lumalaki at nag-iiba dahil sa mga pasalin-salin na tsika.

Iba’t iba ang mga opinyon na minsan ay nami-misquote ang isang tao. Minsan ay iba na ang nagiging kuwento.

Tama ‘yung sabi na, "Life has to go on for GMA network" at hindi sila dapat manghina sa pag-alis ng isa nilang artista.

Kailangan nilang mag-build up ng panibagong talents. Siguro, naging leksyon din sa kanila ang kinahinatnan ng isang Angel Locsin na matapos sumikat ay iiwan sila.

Talbog!
Joe Barrameda
Abante-Tonite

No comments: