Jul 22, 2007

GMA-7's Marimar: Katrina, pumayag magkontrabida sa Marimar!

Hindi pa man tapos ang Lupin, may kasu­nod ng TV show sa GMA-7 si Katrina Halili. Siya ang gaganap sa role ni An­gelika San­tibañez sa Marimar. Kontrabida siya rito, asawa ni Richard Go­­mez at stepmom ni Ser­­gio Santibañez (Ding­­dong Dantes).
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Another challenging role ito sa dalaga at mapi-play-up ang kan­yang kaseksihan, kaya ‘di mami-miss

ng kan­yang fans ang pag­papa­seksi niya sa Lu­pin. Walang reklamo itong si Katrina at kahit anong role ay game siya. Kung ibang artista ito’y magta­tampo dahil nauna pang bigyan ng title role si Marian Ri­­vera na bukod sa hindi contract star ng GMA Artists Center ay huli pang pumasok sa Ch. 7.

Matanong nga kung may love scene sina Ka­trina at Richard sa Mari­mar at kung gaano ito ka-daring. Ang Mexican telenovela ang papalit sa Lupin.
Nitz Miralles
Pilipino Star Ngayon

No comments: