Mother Lily malaki ang tiwala kay Maja Salvador
TINUPAD ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films ang matagal nang pangarap ni Maja Salvador na maging full-fledged movie star. Sa pamamagitan ng pelikulang Kuya’s Wedding, ang Cinderella na ito from Aparri ay tuluyan nang makikilala bilang ganap na bituin sa puting-tabing.
Nang magsimula si Maja sa showbiz noong 2003, marahan subalit ti-yak ang mga naging hakbang niya patungo sa inaasam na kasikatan sa tulong ng kanyang discoverer-manager na si Chit Ramos. At ngayon nga pagkaraan ng apat na taon, meron na siyang tatlong regular TV shows �" ASAP, Engkanto at isang teleserye to be aired soon. She is also a sougth-after
product endorser.
Image model siya ng Banana Peel Flip Flops, Folded & Hung clothing, Lewis and Pearl cologne at Freshner famine wash. Kung saan makikita ang naglalakihan niyang billboards kaya nga tinatawag siya ngayong ‘billboard princess’ ng mga kasamahan sa industriya.
Pero, bakit pinili ni Manay Chit ang Regal Films para paglunsaran ng pagiging movie star ni Maja?
“Sa tingin namin ay tama ang aming naging desisyon sa pagpasok namin sa Regal,” ayon kay Manay Chit. “Marami kaming offers na natanggap mula sa iba’t ibang producers pero si Mother lang ang puwedeng gumawa ng isang legitimate star. Starmaker kasi talaga si Mother Lily.”
Sa rami ng aspiring young female stars natin, bakit naman si Maja ang napili ni Mother na pagkatiwalaan ng isang napakagandang project tulad ng My Kuya’s Wedding at pagkagastahan ng mil-yones?
Katuwiran ni Mother Lily: “Maja deserves a good ang big film project because she is a very versatile star. Magaling sa drama. Maga-ling sa comedy. Magaling pa siyang sumayaw. I know she’s done other movies and she has plenty of TV shows. Pero, iba pa rin kapag nabigyan ng movie, especially if it’s a big and high-profile project like My Kuya’s Wedding na kung saan siya ang pinakabida.”
Pahabol pa ng Regal matriarch: “Bilib na bilib talaga ako kay Maja kasi aside from being very talented, she’s also a very, very good daughter. She loves her family very much. She deserves all the nice things that are coming her way. It’s my honor to with her. This movie is like my gift to this very wonderful girl.”
Mga bida rin sa My Kuya’s Wedding sina Ryan Agoncillo, Pauleen Luna, Jason Abalos, Dominic Ochoa, Say Alonzo, at marami pang iba.
Butch Roldan
People's Taliba
No comments:
Post a Comment