Jul 22, 2007

Mariel, gustong pinahahabol siya ni Zanjoe Marudo

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
“Hindi kami click ni Mariel (Rodriguez) bilang magkarelasyon, eh. Okey na ‘yung magkaibigan lang,” ito ang seryosong sabi ni Zanjoe Marudo sa press launch ng Be Bench, Model Search na mag-uumpisa na sa July 29, Linggo at 10:30pm.

Binanggit namin kay Zanjoe na mas gusto siya ni Mariel kaysa sa bago nitong manliligaw na si Luis Manzano

dahil mas type raw ng TV host na siya ang naghahabol sa lalaki. Nagpapahabol ba ang isang Zanjoe Marudo?

“Ah, hindi naman, nagkataon lang na ganun talaga ugali ko, hindi ako palatawag, pala-text o nagbibigay ng kung anu-ano sa babae. Hindi naman ako suplado, mahiyain lang talaga ako.

“Kaya nga natutuwa ako kay Mariel kasi napagtitiyagaan niya ako. Actually, mabait si Mariel kaya nakakahinayang na mawala ang closeness namin,” seryosong sabi ng binata.

Pero masuwerte nga si Zanjoe dahil hindi interesado si Mariel sa mga lalaking nanliligaw sa kanya.
REGGEE BONOAN
Pilipino Star Ngayon

No comments: