Jul 15, 2007

Bea ng PBB, gustong subukan lahat

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
NILINAW ni Bea Saw ang sinabing hindi siya mag-aartista after winning Pinoy Big Brother 2.

Ang sinabi lang daw niya’y hindi siya pumasok sa PBB para gawing stepping stone for a showbiz career.

Sumali siya para sa prizes dahil kulang sila sa pera at wala silang sariling bahay. Ngayon, hindi lang bahay, pati pera mabibigyan niya ang mga magulang.

Dahil narito na siya, open na siya for showbiz work, pero gusto’y mag-workshop muna para hindi siya mangapa.

Kapag ready na, ita-try niya lahat from drama, comedy and hosting.

Naiba ang routine ni Bea after PBB, lagi na siyang nasa ABS-CBN at madalas makita ang litrato sa newspapers at nakakabasa ng tungkol sa kanya.

Dati nga naman, walang interesado sa kanya, kaya kahit negative news, tanggap niya.
Nitz Miralles
People's Tonight

No comments: