Jul 15, 2007

`Engagement ring' ni Billy Crawford, iniingatan pa rin ni Manilyn

MASAYANG pagmasdan ang tila reunion sort of gathering ng mga nakasama ni Billy Joe Crawford sa dating sikat na youth-oriented TV program noong 90’s na That’s Entertainment.

Sa programang SIS ng GMA-7 last wednesday ay marami kaming narinig na ’bago’ tungkol sa naging buhay noon ng dating child performer at kung paano siya itrato ng mga kasamahan niya sa nasabing show.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Super childhood crush pala ni Billy si Manilyn Reynes at kung ngayon nga raw niya ilalarawan ang nasa-bing emosyon niya sa mahu-say na aktres ay sasabihin niyang ‘na-obsess siya rito.

Tandang-tanda pa pala ng ngayon ay sikat nang rapper at dancer na when he was six-year-old ay nagawa na nitong mag-propose sa dalaga na no-on ay sikat na sikat sa That’s Entertainment. Binigyan pa niya ito ng singsing na ayon naman kay Mane ay na-sa kanya pa at kapag tinitingnan niya ay grabeng tawa ang ginagawa niya.

“Super linggit ng singsing na’ yun. Laruang bata talaga,” humagalpak pang tsika ni Mane. Super selos daw si Billy nun sa kalabtim ni Mane na si Janno Gibbs at iniiyakan pa nito ang closeness ng da-lawa.

“That was really fun. Nakakahiya mang aminin ngayon, pero totoong iniyakan ko ‘yun,” wika ng binata na nga-yon nga ay masasabi pang mas sikat kesa kina Manilyn and company dahil nakapag-establish ito ng karir kahit sa abroad.

Masayang binalikan ng mga gaya nina Ana Roces (ha-los hindi nagbago ang ganda), Smokey Manaloto at Isabel Granada ang magaganda at masasaya nilang samahan dati sa sikat na teenage program sa TV noong 90’s.
People's Taliba

2 comments:

Anonymous said...

, kasi naman maski ako crush ko din si manilyn reynes noon e, now, bilib naman ako sa kanya!!! ang galing umarte at effective sa maga roles nya!!! talagang versitile yang respektable aktres na yan!!! mabait, tahimik, at magaling!!! no wonder na talagng magka crush ang lahat sa kanya noong dekada 90s e, sya lang naman talaga ang QUEEN that time pag nacocompare sa kanya sa thats noon they tell walang K! but manilyn reynes exuding with talents lahat!!!she can do anything, actually all ican say is that BILLY BE PROUD OF WHAT YOU HAD BEFORE!!! GOOG TASTE ka KAYA!!!!

Anonymous said...

yes! i remember that story!!! manilyn is very bright and big that days!!! and if i compare wla pang artista ang puedeng makapantay sa kanya!!! sorry not even JOLINA and JUDAY manilyn reynes has her own variety and concerts and anthology and movies!!! and now, shes comeback with another powerful actress, graduate na sya sa pa cute and she remain herself as respectable and powerful actress shes great in hosting in acting and even in storyy telling talagang twing meron sya sa gma7 MARKADO at effective ha!!! in bakekang as marta everybody watched her, now, in marimar as CORAZON inaabangan din sya!!! uyntil now, makikita mo pa din ang tunay na ALAGAD NG SINING!!! manilyn mabuhay ka!!