Sep 2, 2007

Willie ‘bumigay’ kay Joey

MATAPOS magpalitan ng maaanghang na salita dahil sa umano’y dayaang naganap sa noontime game show na Wowowee, isang mapagkumbabang Willie Revillame ang humingi ng paumanhin sa national television kay Joey de Leon, ng karibal na noontime show na Eat Bulaga.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Idinaan pa sa kanta ni Willie ang paghingi ng sorry kay Joey at sinabing nadala lamang siya ng kanyang emosyon kung kaya’t bahagya siyang napikon sa patutsada ng kalabang TV host.

“Pasensiya na po. Nadala lang ako ng aking emosyon. Sa araw-araw na nariritoako e napapagod din ako. Eat Bulaga ang no 1, magsisilbi ka pa ring inspirasyon dahil isa ka nang institusyon,” sabi ni Willie na pinalakpakan ng studio audience , mga sundalong lumaban sa giyera gayundin ang mga naulila ng sundalong namatay sa pakikipaglaban sa Mindanao.

Pinasalamatan din ni Willie si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Consoliza Laguardia dahil ito umano ang pu-magitna sa alitan ng dalawang TV hosts.

“Nagpapasalamat din po ako kay MTRCB chair Laguardia. Totoong parang nanay ko na rin yan e. Susunod po ako sa advice nyo,” sabi ni Willie.

Nauwi sa bangayan ng dalawang hosts ang sinasabing dayaan noong Agosto 21 kung saan sa portion na Wilyonaryo ay zero ang lumabas sa violet wheel sa halip na 2 para sa premyong P2 milyon.

Ang naturang portion ay nailagay pa sa YouTube at pinagpistahan sa Internet..

MTRCB pumagitna

Bago pa man tuluyang mauwi sa telenovela ang patutsadahan ng dalawang TV hosts ay pinatawag na ni Laguardia si Willie upang pakiusapang tapusin na ang sagutan sa ere. Isusunod din umano nitong ipatatawag si Joey upang pagsabihan.

“Alam mo, yang dalawang iyan ay nasubaybayan ko sa telebisyon. At in fairness naman ay nagbago naman silang dalawa. Hindi na sila nagbibigay ng green jokes tulad nung araw. Ang payo ko sa kanila ay tigilan na nila ang bangayan at magpasaya na lang sila ng tao,” sabi ni Laguardia matapos ma-kipagpulong kay Willie.

Naniniwala rin si Laguardia na haharap sa kanya si Joey sa susunod na mga araw upang itigil na ang sagot o patutsada kay Willie.

“Nagpapasaya naman sila. May sarili silang followers, they should act accordingly. Ginagaya sila ng viewing public ... They are pulling themselves down with their shows,” sabi pa ni Laguardia.
People's Taliba

No comments: