Sep 11, 2007

Sunshine Dizon: 'Walang dahilan para iwan ko ang GMA 7'

Top-rating primetime series Impostora will end on September 21. Sunshine is glad with the positive comments regarding the show.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
"Happy ako sa feedback na natatanggap namin for Impostora.Mayroong certain feeling of sadness sa akin ngayong matatapos na ang teleserye. Kasi, ang taas-taas ng ratings namin sa recent surveys. At kung kailan pa kami mag-e-end ha? Pero talagang ganun. Hindi na rin kasi uso ang teleserye na inaabot ng taon," Sunshine said with a smile.

Sunshine is loyal to GMA, and with good reason.

"GMA-7 has been good to me," a smiling Sunshine shared. "Walang dahilan para iwan ko sila. Aalis ka lang naman sa isang network kung hindi ka na masaya, di ba? Hindi naman ako pinabayaan ng GMA-7 kaya wala akong dapat ireklamo. They're always after my well-being. At kung mayroon mang problem, I've always been open. Diretso akong nakikipag-usap sa kanila."

She talks about the projects she was given by Kapuso Network.

"So far, wala akong masasabing project na ibinigay nila sa akin na ginawa ko kahit hindi ko gusto. Hindi ko rin kasi talaga gagawin kung ayaw ko. Kahit nga sabihin nila na mag-break muna ako, gumawa muna ako ng sitcom [Bahay Mo Ba ‘To?], hindi mapapansin ng mga tao na I'm also having a break. Kasi nakakapag-guest ako sa ibang shows. Remember, napansin ang performance ko sa isang episode which I did for Magpakailanman, and even if it's only a guesting, ipinagpapasalamat ko 'yon sa GMA-7.

"Nasabi na 'yan ni Tita Wilma [Galvante] sa akin, hindi raw ako mawawalan ng projects. Lagi akong may gagawin para sa GMA-7, and I'm just happy dahil yung binibitiwan nilang salita, alam kong tinutupad nila."

Burn-out is a non-issue for her.

"Mabe-burnout ka lang naman kung hindi ka na happy, hindi ko rin iisiping mawala nang matagal dahil sa dami ng artista, baka nga hindi ka na basta makabalik, makalimutan ka ng mga tao.

"Hindi mo masasabi na hindi mangyayari 'yon. Kaya habang nariyan ang trabaho, just learn to enjoy it nang sa gayon, hindi ka basta nagrereklamo. Sa akin kasi, iniisip ko na lang yung mga babayaran ko, financial obligations ko. For as long as napu-fulfill ko 'yon dahil may trabaho na ako, I just count my blessings and be thankful," she said.

What if like Angel Locsin, she gets an offer from ABS-CBN she can't refuse?

"Pag-aaralan ko siyempre," the actress said. "Ayoko namang magpaka-hypocrite, na kung sa tingin ko, maganda ang offer, hindi ko na lang papansinin at sasabihin kong mag-i-stick ako forever sa GMA-7.

"Loyalty is important, but it should be on a case-to-case basis. Hindi ko puwedeng husgahan si Angel sa ginawa niya. Pero isipin na lang natin, kung sinasabi niyang hindi na siya masaya sa GMA-7, hindi yata tamang pilitin pa natin siya. Mahirap magtrabaho na parang mabigat ang loob mo. Magsa-suffer ka rin in the end, at 'yon ang hindi maganda roon.

"Ang sa akin lang, bakit naman pinepersonal ng iba si Angel? Kung ako kasi, mayroon akong reklamo, I will lay my cards down at tutumbukin ko sa kanila directly kung ano ang nagbo-bother sa akin. Ang hindi lang kasi okay riyan, the manner it was done. Puwede namang lumipat na walang nasasaktan at nagkakaintindihan yung dalawang kampo, di ba?"Sunshine adds.

For Sunshine, there is nothing one can't fix if there's a proper communication between two parties.

"Just directly address your needs and wants. 'Yon lang naman ang ginagawa namin ng Mommy ko [Dorothy Laforteza], kaya strong pa rin ang relationship namin with GMA-7. Hindi kami nagde-demand sa GMA-7. They know what things I deserve, at ibinibigay nila 'yon," Sunshine adds.

"Pero, kung lilipat ako,"she adds,"iisipin ko siyempre. Hindi naman basta pera lang 'yan. 'Yon na lang na magiging masaya ka kung pagdedesisyunan mo ng ganoon.

"Sa part ni Angel, kung nag-decide siya na sa ABS-CBN na siya at mas masaya siya ngayon sa nangyayari sa career niya, pabayaan na lang natin siya. Hindi rin naman ako o ang ibang tao ang makakapagsabing pagsisisihan niya yung ginawa niya, kasi walang personalan dapat doon. Si Angel ang magtatrabaho at hindi ang ibang tao, kaya siya ang makakaramdam kung saan siya magiging mas productive at makagagalaw nang matino," Sunshine concludes.
pep.ph

No comments: