Sep 2, 2007

Pelikula ni Maja sa Regal, hinarang ng Star Cinema

HINDI na si Maja Salvador ang makakasama ni Richard Gutierrez sa susunod na project ng Regal Entertainment, kung hindi si Judy Ann Santos.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Tila hindi na matutuloy ang sinabi ni Mother Lily Monteverde sa manager ni Maja na si Chit Ramos na ang next project ng aktres sa Regal after My Kuya’s Wedding ay opposite Richard.

Hindi raw yata binigyan si Maja ng go signal ng Star Cinema big boss na si Malou
Santos.

Ayon kay Alfie Lorenzo, manager ni Juday, next year sisimulan ang shooting ng pagtatambalan ng aktres at ni Richard.

Dugtong pa ni Alfie, hindi siya papayag na gawin ni Juday ang sequel ng Ouija ’pag kasosyo pa rin ang Viva Films ng GMA dahil ayaw niyang ka-deal si Vincent del Rosario.

Magulo raw itong kausap, dagdag pa ng talent manager.
Gerry Ocampo
People's Tonight

No comments: