Sep 1, 2007

Judy Ann at Richard magtatambal sa pelikula

Out na rin sa cast ng Dagaw si Ryan Agoncillo dahil sa conflict of schedule.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa halip na sa October, sa Tuesday na, September 4, ang first shooting day ng Saka, Sakali, Saklolo (sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo) nila ni Judy Ann Santos sa Star Cinema.

Magkaka-conflict ito sa shooting ng Dagaw, na sa Camarines Norte ang location, dahil may one week shooting sila sa Barcelona, Spain.

Manghinayang man si Ryan, wala siyang magagawa dahil una niyang commitment ang movie nila ni Judy Ann, na entry sa Metro Manila Film Festival.

Pati ang girlfriend ay malaki ang panghihinayang na ’di na magagawa ng nobyoang pelikula, na bukod sa magandang project, ay si Chito Roño pa ang director.

Guest co-host si Ryan mamaya sa Entertainment Live at magsasalita ito tungkol sa naudlot na project sa GMA Films.

May punchline raw ito towards the end na kung hindi babaguhin ay ganito more or less ang sasabihin:

“Sayang, Richard, akala ko tayo ang magkakasama sa pelikula, hindi pala. Kayo yata ni Juday ang mauunang gumawa ng pelikula.”

Yes, may planong Judy Ann-Richard project at okey na ito kay Alfie Lorenzo. More on this sa mga susunod naming column.

Tuloy pa rin ang Dagaw at may suggestion lang na i-postpone muna dahil nahihirapan si Direk Chito at ang GMA Films na humanap ng actor na makakasama ni Richard.

Sa November pa available si Ryan at kung mahihintay siya, gagawin pa rin niya ang pelikula. Kung hindi naman, may isa pang actor na kinu-consider sa role ni Tomas, pero kakausapin pa ito.
Nitz Miralles
People's Tonight

No comments: