Sep 1, 2007

Bea, napahiya sa first shooting day

Naaliw kami kay Beatriz “Bea” Saw nang ikuwento ang kanyang experience sa first shooting day ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, kung saan ay isa siya sa cast.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Paano kasi, hindi niya alam na kapag sinabing “pack-up,” ibig sabihin, tapos na ang shooting at uwian na.

“Nang sabihin sa akin na pack-up na, akala ko, may gagawin pa. So sabi ko, ‘okay, ano na ang next na gagawin?’

“Tapos, sabi ng staff, ‘uwian na.’ Shucks, nakakahiya talaga. Tapos na pala, ako
naman, naghahanap pa ng gagawin,” kuwento ni Bea.

Pero dahil bago lahat sa kanya ang mga nararanasan niya ngayon, ine-enjoy niya every minute ng kanyang pag-aartista.

Sa first shooting day nga, 6 a.m. siya dumating, pero nasalang ng 1 a.m. na, but she didn’t mind dahil masaya siya sa set.

Ngayong artista na siya, aminado si Bea na maraming nabago sa kanyang buhay. Sa pagmu-malling na lang, kung dati ay nakakapamasyal siya nang walang pumapansin sa kanya, ngayon ay hindi na.

“Ang naging changes lang po, ngayon, mas maraming time na ang naku-consume ko sa mall, mas nagtatagal ako sa pamamasyal kasi siyempre, may mga nagpapa-picture, nagpapa-autograph, ganu’n.”

Pero hindi rin niya ’yun minamasama at ine-enjoy niya rin. Nakikipagkuwentuhan pa nga raw siya sa fans.

“’Yung isa nga pong nakakuwentuhan ko, na-touch ako nang sabihin niya na ’yung pagkapanalo ko raw sa PBB ang hiningi niyang sign kay Lord kung uuwi na ba siya sa probinsiya o hindi. ’Pag nanalo raw ako, ibig sabihin, uuwi na siya, pero ’pag hindi, she’s gonna stay in Manila. Nakatutuwa naman po, ’di ba?” say pa ni Bea.
Vinia Vivar
People's Tonight

No comments: