Sep 21, 2007

Cesar babalik sa Kapamilya network

Nakausap namin si Sunshine Cruz after the Q&A at kinumpirma niyang Kapamilya na sila ng asawang si Cesar Montano.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Matatandaang bago ang eleksyon, Kapuso si Buboy. In fact, may tinanggap siyang proyekto, ang Lupin, pero dahil nga sa biglaang pagpasok sa pulitika, he had to back out.

Ngayong tapos na ang eleksyon, it was a surprise to know na sa ABS-CBN 2 na mapapanood ang magaling na aktor.

Inamin naman ni Shine na may offer din ang GMA-7 sa asawa, but so far, ibinigay na nito ang word sa Kapamilya at anytime, pipirma na ng kontrata.

Malapit na bumalik sa trabaho si Cesar. Tatlong proyekto ang nakatakda niyang gawin sa ABS-CBN at ayaw pang sabihin ni Shine kung anu-ano ito dahil bawal pa.

Basta ang masasabi lang niya, napakagaganda ng projects, kaya tuwang-tuwa silang mag-asawa.

As for herself, tatlong proyekto rin ang tinanggap niya sa Kapamilya at isa na nga rito ang Lastikman. She’s due to start taping another teleserye with Maricel Soriano, Ai-Ai de las, Gerald Anderson and Kim Chiu.

Ang biro nga raw sa kanya ng mga bossing sa Dos, baka hindi na sila magkitang mag-asawa dahil magiging super busy sila pareho.

Pero ani Shine, super thankful sila sa Dos sa ibinigay na importansiya at tiwala.

“Lalo na sa panahon ngayon na kailangan naming bumawi dahil sa nagastos sa eleksyon. Kaya, hindi po totoong binigyan kami ng P200 million dahil kung totoo ’yon, ’di sana hindi na kami todo-kayod ngayon.”

Aminado si Shine na malaki ang nawala sa kanilang pera dahil sa eleksyon. “Ang totoo, we lost a lot. We did not gain anything in terms of money. Malaki ang perang nawala kay Buboy, ’yung commercials niya, mga project, so kailangan naming magpursige ngayon.

“Nagpapagawa pa naman kami ng bahay, eh, puro glass pa naman, ang mahal-mahal ng materyales. Ang mga kahoy, ang mahal-mahal,” sabi ni Shine.

Sa ngayon, 50 percent nang tapos ang bahay na ipinagagawa nila sa Tivoli Royale.
Vinia Vivar
People's Tonight

No comments: