Aug 7, 2007

Socialite ibibigay ang premyo, magbabayad pa, manalo lang sa text votes

Pinasaya ng socialite na si Tessa Prieto Val­dez ang presscon ng Celebrity Duets, isang bagong reality search program ng GMA7 na magsisimula sa Agosto 11. Hindi kasi ito nagpa­tumpik-tumpik sa pagsa­sabing mananalo siya sa nasabing pakontes.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Dahil daw ang mana­nalo ay ibabase sa text votes, ngayon pa la­mang ay tinitiyak na niyang makakaabot siya hanggang sa huling linggo ng paligsahan na tinawanan lamang ng kanyang makakalaban na sina Bb. Pilipinas Universe Ana Theresa Licaros, TV host, events organizer Tim Yap,

cos­metics surgeon Manny Calayan, entrepreneur cum talent manager Jes­sica Rodriguez, dash­ing doctor from Belo Medical group at sinasa­bing constant date ni Vicki Belo, Hayden Kho, talent manager Wyngard Tracy, fashion designer Frederick Pe­ralta.

Sinabi rin ng fashion icon at isa ring columnist na bagaman at hindi siya marunong kumanta, da­daanin na lamang niya sa pagandahan ng cos­tume ang labanan. Hindi pa man nagsisimula ang contest ay malaki na ang abono niya dahil, bumili siya ng karaoke system at kumuha ng voice coach. Isang milyon la­mang ang premyo ng ma­nanalo at ang kala­hati nito ay obligado silang ibigay sa isang charity na mapipili nila.

Ang Celebrity Duets na iho-host nina Ogie Al­casid at Regine Velas­quez ay isang ideya ni Simon Cowell, isa sa mga judges ng Ameri­can Idol at mabilis na naging popular sa US.

Bagaman at may text votes, meron pa ring tat­long judges na hu­husga sa performances ng mga contestants, sina Louie Ocampo, Mitch Val­dez at Buboy Garo­villo.

Binigyan ang walong celebrity contestants ng pagkakataong pumili ng kanilang makaka-duet at mga kantang kanilang ipi-perform.
Veronica R. Samio
Pilipino Star Ngayon

No comments: