Marian at Dingdong, sweet-sweetan
Mamaya na ang presscon ng Marimar at marami tayong malalaman sa sinasabing closeness nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Kung bakit kailangan nilang maghintayan sa pagkain at kung bakit sweet-sweetan sila kahit off-camera.
May tsikang pinagselosan ni Karylle ang closeness na ‘yun at dahilan para sila’y mag-break. Nag-text ang kaibigang reporter kay Dingdong para alamin
kung totoong hiwalay na sila ng singer-actress. Maiksing “We’re still okey, trust me,” ang sagot nito without any explanation.
Sana rin present si Fulgoso sa presscon, kaya lang, hindi nito masasagot kung totoong nag-iinarte siya sa taping dahil cannot talk si Nigel (name ng aso). Sa August 13 na ang pilot ng Marimar at dahil umeere pa ang Lupin, ano kaya ang gagawin ng GMA-7 para makasama sa telebabad block ang limang series.
NITZ MIRALLES
Pilipino Star Ngayon
No comments:
Post a Comment