Aug 7, 2007

Sam, mas masarap humalik kay Luis — Chx

DAHIL sa dialogue na “Luis can’t make it today, dahil may taping siya ng Impostora,” niloko-loko si Chx Alcala ng members ng entertainment press na “spokesperson” ng Signos co-star na si Luis Alandy.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Paliwanag ng ex-Pinoy Big Brother 1 housemate, pareho niyang tinext sina Luis at Lauren Novero, pero ang ex-BF lang ni Tintin Arnaldo ang nag-reply sa kanya.

Dagdag tanong ni Chx kay Luis, “alam na ba (na hindi ka

makakapunta)?” at sinagot naman daw ng actor ng “I think they know, well, just send them my apology.”

Naputol lang ang panunukso ng writers nang aminin ng dalagang nagkabalikan sila ng model ex-BF na si Love Thadani, Hunyo pa nu’ng nakaraang taon.

Katunayan, kasa-kasama niya ito sa preskon, hindi nga lang bumaba ng kotse dahil ’di nakabihis nang maayos.

Nawindang pala si Chx sa first shooting day ng debut movie niyang Signos under Direk Aloy Adlawan. Paano raw, first shooting day pa lang, isinabak na agad sila ni Luis sa kissing scene.

Nag-enjoy naman daw siya, pero kumpara sa first showbiz kiss kay Sam Milby, mas magaling daw itong humalik.

“Si Luis po kasi, cinematic ’yung halik, ’yung sa amin ni Sam, totoo,” paliwanag nito.

Babaing putik nga pala ang role ni Chx sa Signos, na may pagka-horror ang dating gaya ng blockbuster na Ouija, na sinulat ni Direk Aloy.

“Putik ang pumapatay sa movie, at isa ako sa mga biktima. So, aakalain nilang ako ang killer. Hindi po ako naghubo’t hubad, pero willing akong mag-topless for the sake of the film.

“Nagkapasa-pasa nga po ako sa shooting kasi bumagsak ako sa putikan, tapos du’n sa eksenang ’yon, ipakikita akong gumagapang at binabato. Pero okey lang. Maganda ngang indie film ang debut ko dahil nahasa agad ang talent ko sa acting,” kuwento pa ng dalaga.
People's Tonight

No comments: