Aug 7, 2007

Angelica Panganiban is not insecure with Angel Locsin

Hindi naman daw threatened si Angelica Panganiban sa napipintong paglipat ni Angel Locsin sa Kapamilya network. Wala naman daw siyang reaction sa isyu, sagot ni Angelica sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng Star Cinema for the movie A Love Story.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hindi pa raw nagsi-sink sa kanya dahil nakakagulat din daw kung mangyari na. “Masyado siyang identified sa kabila (GMA 7). Nasa stage pa rin ako na nagtatanong, totoo ba iyon?,” sabi pa ni Angelica.

There was a time na may offer ang GMA 7 sa kanya na lumipat sa kanila. That time ay medyo hindi

maganda ang takbo ng career niya sa ABS-CBN. Pero when she learned of the offer, kinunsulta ni Angelica ang mga bosses niya sa network. Kung ire-release ba siya nito? Papayagan ba siyang lumipat?

Kung pumayag sila, baka raw lumipat siya. Pero hindi raw siya pinayagan. Happy naman daw siya sa mga projects na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

“Kung hindi sila (ABS-CBN) pumayag na pakawalan ka, ibig sabihin may plano talaga sila para sa akin,” kuwento ni Angelica tungkol dito which happened some four years ago. She was six years old nang magsimula siya sa showbiz. Naka-14 years na siya sa business.

Ang unang movie ni Angelica ay ang Antipolo Massacre kung saan gumanap siyang anak nina Liezl Martinez at Cesar Montano. Tapos naging anak din siya ni Vilma Santos sa The Lipa Massacre.

Kagagaling ni Angelica sa Macau kung saan sila nag-shoot ni Aga Muhlach para sa A Love Story. Sa istorya kasi ay doon sila nagkakilala ng aktor, na excited si Angelica na makatrabaho dahil crush niya ito at very vocal siya about this.

May love scene sila ni Aga at nang tanungin kung ilan ang kissing scenes nila, ang sagot niya, “Sa lahat yata ng eksena namin, may kissing scene kami.”

How was it like working with Aga?

“Magaan po at masaya. Magaan, magaan ang takbo ng lahat saka masaya lang po kahit na gaano kabigat ang ginagawa namin, kayang-kaya niyang dalhin saka mararamdaman mo talaga ang presence niya,” sagot ni Angelica.

Hindi ka ba na-pressure or na-intimidate?

“Siyempre may ganoon, lalo na noong first three shooting days ko. Hindi nila ako makausap sa set. Ngayon kasi kaya ko nang ma-kipagkuwentuhan sa kanila, over lunch or kapag nagdi-dinner.

“Sa umpisa, hindi pa ako ganoon ka at ease sa kanila, sa mga kasama ko. Wala rin kasi akong ka-age doon sa set. Wala talaga akong makausap pero di mo alam na bata pala sila, mga young at heart,” sabi pa ni Angelica who is turning 21 on November 4.

Pag tinatanong daw siya kung sino ang gusto niyang maging leading man, ang laging sagot ni Angelica, si Aga Muhlach. Kaya noong unang sabihin sa kanya na makakasama niya si Aga sa pelikula, ang akala raw niya ay joke ito. Noong sabihin daw sa kanya ng Star Cinema na he’s going to do a movie with Aga about two years ago, hindi raw siya naniwala. Tapos paulit-ulit niyang naririnig na gagawa nga siya ng movie kasama ang aktor. Wala pang confirmation.

“Kahit na noong nag-story conference na kami, hindi pa rin ako makapaniwala. Naniwala na lang ako nung nagso-shooting na kami,” sabi pa ng girlfriend ni Derek Ramsay.
Ricky Calderon
People's Taliba

No comments: