Aug 30, 2007

Roxanne, umiiwas sa reporters?

Hindi nakarating si Roxanne Guinoo sa presscon ng Lastikman na pinagbibidahan ni Vhong Navarro kaya may speculations na baka umiiwas siya sa press since may issue ngayon sa kanya at sa family niya.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pero ang boyfriend niyang si Jake Cuenca, na kasama rin sa Lastikman, ang nagpaliwanag na may sakit ang young actress kaya hindi nakarating sa presscon at hindi dahil umiiwas ito sa issues.

“Three days na nga siyang may sakit, may fever siya, eh. Siguro ’yung weather din,” pagpapaliwanag ni Jake.

Hindi nga raw niya rin alam na may issue palang dapat sagutin si Roxanne at
wala rin naman daw siya sa posisyon na sagutin ito.

“I don’t really wanna answer for her pagdating sa ganyan and as far as I know, they don’t have problems ng family niya. I don’t know, basta pagdating sa ganyan, wala siguro ako sa posisyon para sumagot,” sabi niya.

May isyu kasi na napipilitan lang si Roxanne magtrabaho para sa kanyang pamilya at ani Jake, sa tingin naman niya ay hindi ito totoo.

“No, she’s happy. Pagdating sa trabaho, sobrang feeling nga namin, sobrang blessed kaming dalawa. ’Pag pinag-uusapan nga namin dati, ito ’yung parang dream namin, eh.

“So ngayong nangyayari na marami kaming projects at successful naman ang mga project namin, masaya kami. Ako, I work almost everyday, pero no complaints. Masaya ako, ganado ako to go to work everyday, and siya rin,” sabi pa ni Jake.

Magka-loveteam pa rin ang role nilang dalawa sa Lastikman at may love triangle sila ni Iya Villania. Magkasama rin ang real-life sweethearts sa teleseryeng Natutulog Ba ang Diyos?, na kasalukuyan pa ring umiere with Joross Gamboa.

Samantala, made-delay ang airing ng “Lastikman”. Instead of September ay sa October pa raw ito magsisimula dahil nagkaroon ng extension ang “Kokey” due to insistent public demand.

* * *

It’s good to see Danilo Barrios again. Kasama siya sa Lastikman at ang huling teleserye pa raw niya sa Dos ay ang Spirits three years ago.

Sa GMA-7 naman ay nakasama siya recently sa Daisy Siete.

Danilo doesn’t mind playing support to Vhong. Matatandaang magkakasama sila sa Streetboys at sa kainitan noon ng grupo, ang una ang pinakasikat sa kanilang lahat.

Pero somewhere along the way, nagkaroon ng lull sa career ni Danilo at aminado ang aktor tungkol dito. Hindi rin niya alam what went wrong, pero wala raw siyang pinagsisisihan dahil at least, naranasan niya ang fame and popularity.

Sa ngayon, very vocal siya na nagli-live-in sila ni Jaycee Parker ng Viva Hot Babes. Technically, marriage na lang ang kulang para masabing mag-asawa na talaga sila.

“Nag-iipon pa kasi kami kaya hindi pa puwede,” say niya.

Si Jaycee na raw ang babaing gusto niyang makasama for life and sana raw, magkaroon ito ng katuparan.
Vinia Vivar
People's Tonight

No comments: