Aug 15, 2007

Nadine, sinalo sina Angel at Jen

NABULILYASO lang pala ang pag-i-endorso nina Angel Locsin at Jennylyn Mercado ng CD Jeans and Shirts.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ayon sa mga may-aring sina Nelson at Marie Yu, bigla na lang nagbago ang isip ni Becky Aguila, manager nina Angel at Jen, nu’ng magbabayaran at magpipirmahan na sila.

Ani Nelson: “Hawak ko na ang tseke nu’ng may tumawag na hindi raw puwede

’yung dalawa. Taga-GMA Artist Center yata ang nakausap.

“So, nagpahanap na lang kami ng ibang endorsers. Buti na lang at nakilala ko si Manny (Ballester), kaya si Nadine (Samonte) ang kinuha namin. Awa ng Diyos, three years na namin siyang endorser.”

Wala naman daw problema kay Nadine kung third choice lang siya. Lahat naman kasi ng pangangailangan niya sa pananamit sa taping ng Kung Mahawi Man ang Ulap o TV guestings, natutugunan ng CD.

Sa parte ng co-endorser niyang si Andrew Schimmer, fit daw sa kanya ang CD Jeans dahil active individual siya.
Noel AsiƱas
People's Tonight

No comments: