Juday ayaw makatrabaho si Piolo
Kahapon (Tuesday), nagkaroon ulit ng contract signing si Judy Ann Santos sa ABS-CBN.
Nakausap namin ang aktres last Monday night sa taping ng Ysabella at aniya, actually ay matagal na siyang nakapirma.
“Pero ‘yung formal contract signing talaga will happen tomorrow,” ani Juday.
Idaragdag kasi sa kontrata ang Star Records, dahil yes, she’s going to record a
song na tila theme song ng kanyang movie.
“Hindi siya solo album, parang compilation na isasama ’yung kanta ko sa ibang artists. Ewan ko nga kung bakit may sumusugal sa boses ko, eh,” natatawa niyang sabi.
Naitanong kay Juday kung nawala na ba ang sama ng loob niya sa ABS-CBN dahil sa hindi pagpayag ng management na i-promote niya ang pelikulang Ouija sa mga programa ng Kapamilya.
“Nag-usap na kami. Actually, na-clarify ko naman dati na hindi masama ang loob ko. May mga katanungan lang ako na gusto kong hanapan ng sagot.
“Nasagot naman nila and with due respect to my bosses, I’d rather keep mum about it. Nagtanong ako, nasagot nila nang maayos, and ang masasabi ko lang, right after the dinner that I had with them, I felt good na.
“May konting importansiya pa rin pala ako sa kanila na they went out of their way to talk to me and clarified things. And sinabi nila sa akin kung ano ’yung mga dahilan nila.
“Pero siyempre, bilang isang artista, meron pa rin akong mga sariling rason ko na paninindigan ko. Pero artista lang ako ng ABS-CBN at nag-guest lang ako sa kabilang istasyon.
“So, hanggang doon lang ’yung puwede kong gampanan. Hindi ko pala puwedeng gampanan na maging isang tulay,” makahulugang sabi ni Juday.
Somebody asked the actress kung bukas ba sa kanya na isang araw ay makatrabaho o makasama sa isang project si Piolo Pascual at ang bilis ng sagot ni Juday.
“Hindi. Huwag na muna. At saka isa pa, hindi naman kasama si Piolo sa show na ito, kaya huwag na muna natin siyang pag-usapan.”
Naitanong din sa kanya kung ano ang masasabi niya na humingi na ng sorry si Direk Joyce Bernal sa kanya sa pamamagitan ng write-up dahil sa kasalanang ginawa nito last year na naging dahilan ng pagtatampo ng aktres.
“Huwag na muna nating pag-usapan. Ang masasabi ko, nasa estado ako ng buhay ko ngayon na masaya ako, sobrang kuntento.
“Ayokong isipin ng mga tao na masyado akong nagmamayabang. I don’t want them to think na I’m saying this because mayabang ako, ayokong makipag-usap.
“It’s just that gusto ko lang maging tahimik na muna ang lahat. Nagiging circus na masyado ’yung issue, eh. Patapusin na lang, huwag na lang pilitin, mangyayari na lang kung ano ang mangyayari. Malalaman n’yo naman din kung may mangyayari. Pero sa ngayon, ayoko nang magsalita about it.”
Samantala, ngayong Friday, matatapos na ang chapter 1 ng Ysabella at next week, magsisimula na ang pangalawang yugto. Yes, mamamatay na ang karakter ni Ryan Agoncillo na si Andrew this week, pero may panibagong twist na mas magugustuhan ng mga manonood.
Kasama pa rin sa second chapter sina Derek Ramsey (bilang leading man ni Juday), Aiza Seguerra, Gina PareƱo, Valeen Montenegro, Aldred Gatchallan, atbp.
Isa naman sa mga bagong papasok si Jason Abalos.
* * *
SPEAKING of Jason, nakausap din namin siya sa taping at hindi namin alam kung maniniwala kami o hindi sa sinabi niyang magkaibigan lang sila ni Ina Feleo, bunsong anak nina Johnny Delgado at Laurice Guillen.
“Natatakot ako kay Sir Johnny, siyempre, may respeto po ako sa kanya, ayoko rin namang magkaroon ng parang ano,” say niya.
Pero nang may magbuking na isang kasamahan sa hanapbuhay na nakita silang nanonood ni Ina ng Die Hard 4 sa Eastwood, hindi na nakatanggi ang young actor and later ay inamin niyang nagdi-date sila paminsan-minsan, pero marami raw sila at madalas ay kasama ang ate nito.
Naku, itong si Jason talaga, ayaw ni Maja Salvador ng ganyan. May pelikula pa naman silang My Kuya’s Wedding, na ipalalabas sa August 29.
Anyway, bagong pasok pa lang si Jason sa Ysabella at magiging ka-love triangle nina Valeen at Aldred.
Vinia Vivar
People's Tonight
No comments:
Post a Comment