Aug 15, 2007

Nadine Samonte won't go sexy

MALABONG mangyari kay Nadine Samonte ang pagpu-pose sa FHM o ibang men’s magazine. Hindi raw ma-imagine ni Nadine na magpapa-sexy siya sa cover ng mga magasin.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
“Talagang ayoko. Hindi dahilan na may boyfriend ako ngayon na aangal sa

pagpapaseksi ko. Talagang hindi ko yata type ito. Pero mahirap din magsalita ng tapos.”

Bukod sa Kung Mahawi Man ang Ulap kung saan magpartner sila ni Dennis Trillo, silang dalawa rin ang mapapanood sa episode ng Magpakailanman ngayong Thursday.

Lalabas si Dennis bilang si Father Joseph “Joey” Faller , ang pareng nanggagamot na mai-in love sa isang babae na gagampanan naman ni Nadine.

Si Mel Tiangco ang host ng show ng Magpakailanman.
Noel Asiñas
People's Taliba

No comments: