Aug 3, 2007

Maryo J. on Angelica P: She could be another Charito Solis

Kahit pa may pagka-sexy ang image ng young actress na si Angelica Panganiban, marami ang nagulat kung paano napapayag ni Direk Maryo J. de los Reyes ang young actress sa mga love scenes nila ni Aga Muhlach sa A Love Story ng Star Cinema, kung saan kasama rin si Maricel Soriano.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angelica sa solo presscon niya para sa A Love Story, inamin niya na kinabahan siya nang gawin niya ang love scenes nila ni Aga.

But with Direk Maryo's guidance and convincing powers, hindi naging

mahirap para sa direktor na mapa-oo ang young actress.

"Angelica is very open and trusting. Kinausap ko siya, ‘Anak, I hope you can trust me. Siguro naman based of my body of works, di kita babastusin, di kita bababuyin. Wala pa akong ginagawang ganun saka nirerespeto ko naman ang mga artista kong babae. As a matter of fact, I'm a woman's director. Ang dami kong napapanalong artistang babae—from Charito Solis, Vilma Santos, and even Aleck Bovick," lahad ni Direk Maryo.

Puro praises at magagandang salita ang lumalabas kay Direk Maryo patungkol kay Angelica. Para sa kanya, Angelica would be one of our finest actresses. Tiniyak din ng direktor na hindi nasapawan ang young actress sa mga eksena niya with Aga and Maricel.

"Given the right roles, right management of her career, she's gonna be a big actress like Charito Solis. May angst si Angelica," papuri pa ng premyadong direktor.

Tinanong namin si Direk Maryo kung ano ba ang pagkakaiba kapag idinidirek niya ang mga mahuhusay na artista tulad nina Aga at Maricel sa mga baguhang artista. The director honestly admitted na bukod sa mas bawas sa trabaho, sakit sa ulo rin ang madalas na ibinibigay pag baguhan ang isang artista.

"Matured na sila, masarap na sila idirek, lesser na ‘yung trabaho," sabi niya tungkol kina Maricel at Aga. "Hindi na ko nagta-tumbling sa set, di katulad pag idinidirek mo ay mga young teenagers.

"Kay Maricel at Aga, naiintindihan nila ang gusto mo. ‘This is the objective of the scene, ito ang emosyon, gamitin mo ‘yan, sabihin mo ‘yan ng ganito, huwag kang magmadali, ito ang emosyon na gusto kong makita.' Sa mga artistang bata, ‘O, lakad ka dun.' Siyempre pag lakad niya, iba ‘yung phase ng lakad niya, nagmamadali, competitive ang dating. Ang aim niya is to memorize and deliver it as fast as they can."

Ang debut film ni Direk Maryo ay ang High School Circa ‘65 noong 1979. Ang ilan pa sa memorable films ni niya ay Annie Batungbakal (1979), Minsan May Isang Ina (1983), Saan Darating ang Umaga? (1983), Bagets (1984), Tagos ng Dugo (1987), Dinampot Ka Lang Sa Putik (1991), My Other Woman (1991), Sinungaling Mong Puso (1992), The Secrets of Sarah Jane (1994), Sa Ngalan ng Pag-ibig (1995), Sa Paraiso Ni Efren (1999), Laman (2002), Magnifico (2003), at Naglalayag (2004).
GMANEWS.TV

No comments: