Aug 3, 2007

Drew Arellano denies living-in with Iya Villania

Mariing itinanggi ni Drew Arellano ang balita na nagli-live-in na raw sila ng kanyang longtime girlfriend na si Iya Villania.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Marami kasi ang nag-i-speculate na nagsasama na ang dalawa sa iisang bubong. May mga nakakakita kasi kay Drew na parating nasa unit ni Iya. Pero ayon kay Drew ay sa magkaibang bahay sila nakatira.

"'Yung condo unit kasi ni Iya ay malapit lang sa condo unit ko. As in halos magkatabi

lang ‘yung buildings kaya madali akong makapunta sa kanila," paliwanag ni Drew nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Coke's Ride To Fame.

Dagdag pa niya, "Kung nakikita man ako sa unit ni Iya, it means na dinadalaw ko siya or nagha-hangout lang kami. Kasama ni Iya sa condo unit niya ay ang mother niya at hindi ako. Maingat naman kami ni Iya at ayaw naming basta na lang natsitsismis."

Nang tanungin si Drew kung may plano na ba siyang mag-propose kay Iya, natawa lang ito at sinabing baka raw next year.

"Oo, baka nga next year... next year ay hindi pa ako ready!" malakas na tawa niya. "Wala pa naman sa amin ni Iya ang usapang magpapakasal kami. We are still young and marami pa kaming gustong gawin sa career namin. I think ‘yung pagpapakasal is far from our minds pa.

"Pero who knows, di ba? Baka magkalakas-loob na ako next year o baka this year, ma-dare ko ang sarili ko to propose to Iya. We don't know, e. Many things can happen naman. Basta ang bottomline is I love Iya and I know that she is the one."

Sinabi rin ni Drew na hindi naman daw naaapektuhan ang pagsasama nila ni Iya ng mga intriga. Just recently ay na-involve ang name niya sa mga lalakeng naka-sex diumano ni Ethel Booba.

"Yung mga intrigues, parte ‘yan ng buhay natin lalo na sa mga may karelasyon. It's the spice that make things happen, di ba? Sa amin naman ni Iya, we're not affected by it. Cool lang kaming dalawa," sabi ni Drew.

Sina Drew at Karel Marquez bilang hosts sa bagong musical reality show ng GMA-7 na Coca-Cola Ride To Fame: Yes To Your Dreams.
GMANEWS.TV

No comments: