Aug 10, 2007

‘Marimar’ inaabangan sa Los Angeles

Dumating kami sa Los Angeles, California noong Miyerkules nang umaga pagkatapos ng 17 oras na biyahe na may stop over sa Tokyo, Japan.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hindi pa man nag-iinit ang pamamahinga namin ay kung anu-ano nang kuwento ang nasagap namin dito tungkol kay Angel Locsin.

Ayaw kaming lubayan ng Angel issue, huh?!

Nagdamdam pala ang producer ng Angels screening dito sa Amerika na si Bryan Furlow dahil sa ikinalat daw ng kampo ni Becky Aguila na kaya hindi natuloy ang showing ng nasabing pelikula sa LA ay kulang kuno sa promo.

Marami ang saksi rito kung paano pinagpaguran ni Bryan ang pagpapalabas sana ng

Angels sa LA, kaya lang, wala raw talagang bumibili.

Nang ma-realize daw ito ni Becky ay siya na mismo raw ang nagdesisyon na huwag nang ituloy ang nasabing pagpapalabas ng pelikula.

Sinabihan daw ni Angel ang manager na humingi ng paumanhin kay Bryan sa ginawa at sinunod daw ito ng manager.

Maski sa San Diego at San Francisco ay mahina rin daw ang ticket selling kaya minabuti ng mga producer na ipamigay ang mga hindi nabiling tickets para hindi kahiya-hiya sa mga artista.

Hindi pa gaanong kilala sa Tate si Jennylyn Mercado. Maski sina Patrick Garcia at Marvin Agustin ay hindi nakatulong sa box office appeal ng pelikulang Angels.

Maging dito sa Amerika ay aware ang mga kababayan natin sa desisyon ni Angel na lisanin ang network na namuhunan at nagpasikat sa kanya.

May nakausap pa kaming mismong sa bibig daw ni Angel nanggaling na ayaw niyang lisanin ang GMA 7.

Naguguluhan tuloy kami kung sino ba sa kanila ng kanyang manager ang may desisyon na lisanin ang Siyete.

May kuwento pa rito na isang araw raw na hindi nagkita at walang komunikasyon sa pagitan nina Angel at Becky dahil may ginawa raw ang huli na hindi nagustuhan ng una.

Ano kaya iyon?

Anyway, maski rito sa Los Angeles ay inaabangan ang airing ng Marimar na maraming natutuwa sa pagkakapili kay Marian Rivera bilang bida ng upcoming telenobela ng GMA 7.

Gandang-ganda sila kay Marian lalo na ang mga lalaking naseseksihan hindi lamang kay Marian kundi pati na rin kina Katrina Halili at Ehra Madrigal.

Kaya gaya ng Mga Mata ni Anghelita at Impostora ay marami ring tagasubaybay ang Lupin dito sa City of Angels. Naku, what a coincidence! City of Angels nga pala ang Los Angeles. Dito nagmula si Angel patungong London para mag-aral.
Joe Barrameda
Abante-Tonite

No comments: