Aug 10, 2007

Alfie Lorenzo: Kung LOYAL si Angel... SANTA si Juday?!

Heto na ang continuation ng sinulat namin kahapon. Eksclosibo! Para lang kay
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Francisco Magsino. Sino? Magsino? Sinong Francisco?

Kay-aga niyang nag-email sa amin, hindi ko pa nga

nahahawakan ang kopya namin ng Abante TONITE kahapon.

Nilait daw namin si Angel Locsin? Why would I? Eh ano kaya

ang matatawag ng baklang Francisco rito sa mababasa niya ngayong madaling-araw?

Go, girl, go! Go! Go!

***

Nabago yata ang meaning ng word na LOYAL or LOYALTY.

Loyal ka pero mang-iiwan ka? Then what would we call Judy Ann Santos who’s been with ABS-CBN for the past 20 years? A saint?
Kung ngarag sa trabaho si Angel Locsin, aba’y ako man ay nangangarag pa rin thinking kung para saan ang ipinatawag na presscon for Angel Locsin’s manager.

Dahil lang sa lilipat na si Angel sa ABS-CBN kaya

pina-preskon? Aba, then I deserve a presscon, too, ten times ten! Kelangan bang lumipat si Juday sa GMA-7 para kami bigyan ng sariling presscon?

Alin ba talaga ang pinararangalan, ‘yung disloyal o loyal?

Naguguluhan ako, ah, Francisco Magsinokaman!

***

Ngarag daw si Angel sa trabaho sa GMA-7 kaya siya lumayas sa GMA-7.

Ano? Ilan ba ang ginagawang teleserye ni angel sa GMA-7? Ngarag sa trabaho? Eh di ba, ‘yun talaga naman ang hanap ng bawa’t isang gustong sumikat at magkapera? Hindi raw dahil sa pera -- eh kaplastikan naman yata ‘yung sabihing hindi dahil sa pera.

Bakit ka nagpapakapagod kundi dahil sa pera? Just for the love of it? Kahangalan!

Bago ka maging loyal, you have to be honest to yourself -- alam kaya ‘yan ng ibang tao?
Kayraming kinalyo na nga ang mga tuhod sa pagdarasal na mabigyan ng trabaho, and yet itong nabigyan ay reklamo naman na sobra na ang ibinigay sa kanya?

Alalahanin sana ni Angel Locsin na kaya siya nakilala eh dahil sa syota niyang namatay na si Miko Sotto.

Minus Miko’s death, sa palagay kaya ninyo eh sisikat si Angel Locsin? Hindi, hoy!

Tinulungan lang siya ng kaluluwa ni Miko. She was guided from the grave.

Hindi ba sinalo nga ni Oyo Sotto ang naiwan ng pinsan to keep her sanity? At ano ang ginawa niya nu’ng magkapangalan na siya? Iniwan din si Sotto, debah?

Strike two na siya! Talk about loyalty then!

***

Kunsabagay, ‘yan namang mga iba riyang nakapaligid sa Papa Gabby ko (na magdiriwang ng kaarawan sa Lunes pero sad siya, bakit kaya?), ang hanap eh ‘yung mga mahadera at nag-iinarte kesa tulad ni Juday na parang may ‘katulong’ attitude na todo-pasa lang kung anuman ang ibigay na trabaho, walang angal, sunod lang na nakayuko ang ulo.

Walang nakatrabaho si Juday sa loob ng 20 years sa ABS-CBN at Star Cinema na isa man ay nagreklamo about Juday’s attitude regarding her work.

Walang daing, walang reklamo ang Juday. Pero ang mas ‘love’ ng mga pasikat na mga EP ng Papa Gabby ko eh ‘yung mga maldita at walkout girls, complainants and et cetera, ah basta maldita!

Si Juday ba ay napremyuhan ng ABS-CBN for being on time lagi sa schedules niya? Hindi po, api-apihan pa rin sa kabila ng 20 taon nagdaan. Kaya naman inaabuso siya sa trabaho.

Wala siyang cut-off time, inaabot pa ng umaga sa taping at walk into the set of another commitment nang wala lang, okay lang.

So, hayun, kaya naaabuso. "Okay lang, wala namang reklamo si Juday eh, abusuhin natin," madalas sigurong ma-self balloon ng mga EP at PM, debah?

***

Angel Locsin daw wants a break from her punishing schedules to enjoy more free time with her family.

Meron bang ganyan sa showbiz, stardom on a silver platter?

Ganoon pala at gusto ni Angel na makasama nang mas matagal ang pamilya niya eh mag-quit na lang siya sa acting at mag-iba ng business.

Tingnan ko lang kung ang kikitain niya ng isang taping day ay kikitain niya sa loob ng isang buwan kung may private business siya.

Aber nga, pagtagumpayan nga niya ang hindi napagtagumpayan ni Sharon Cuneta na clothing business, ni Eric Quizon ng kung anu-anong imported items, ni Ara Mina na restaurant business at kung sinu-sino pang mga artista na nag-iba ng sidelines.

Bantayan na lang kaya niya ang ama niya para lumigaya siya nang husto.

Bakit noon, hindi niya naisip na alagaan na lang ang ama niya?

***

What can be more punishing than Juday’s schedules na Monday to Sunday?

Madalas ay hindi lang isa kundi dalawa at nagtatatlo pa ang gagawin niya sa isang araw --nagkakapatung-patong ‘yung pictorial, recording, shooting and TV guestings.

Bukod-tanging ang regular taping days ni Juday na M-W-F ang hindi nagagalaw o napapatungan ng ibang appointments.

Gusto man ni Juday na maging day-off ang Sundays niya, nanghihinayang pa rin siya sa kikitain sa araw na ‘yun kung gugugulin lang niya sa malling, sine o gimikan.

Mas type ni Juday na magtrabaho at parusahan ang sarili.

Tinuruan kasi namin siya never to complain kapag inuulan siya ng trabaho, bagkus ay magpasalamat sa Diyos for all the graces na ibinubuhos sa kanya.

Alam ni Juday na "baka magalit sa akin ang Diyos, di na ako bigyan ng trabaho at mapunta sa iba."

Kaya niyayakap ni Juday ang alinmang trabaho na dumarating sa kanya, maliit o malaki man ang bayad.

Basta trabaho, pare-pareho ang level ng energy na ibinubuhos niya.
Kaya ako, ako ...ang palaging nagrereklamo na give her time to breathe man lang -- hindi si juday.

But she embraces everything. Nanghihinayang siya sa mawawala sa kanya.

Time with her family? May proper time naman for that for bonding. Nandiyan ang Holy Week na suspended ang mga trabaho, Christmas at birthdays niya.

Sa halip na magpagod for a party, hide away na lang siya sa probinsya to be with her family.

Hindi siya nang-iistorbo ng regular schedules just so ‘makapiling’ kuno ang pamilya.

Kaplastikan na ‘yun ‘pag family ang gagawing dahilan para makapaglakwatsa!
Alfie Lorenzo
Abante-Tonite

No comments: