Aug 1, 2007

GMA, walang inutusan para siraan si Angel

Aware ang mga taga-GMA 7 sa kumakalat na text message tungkol sa ‘in hot water’ kuno ang kanilang vice-president for entertainment na si Ms. Wilma Galvante dahil nagalit kuno ang chairman at CEO nilang si Atty. Felipe Gozon dahil sa mga ‘paninira’ kuno kay Angel Locsin.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ayon sa isang executive ng Siyete na nakausap namin, walang katotohanan ang tsikang ‘yon.

"Alam namin kung kanino galing ang text message na ‘yon, eh. Ganoon lang ang sinasabi nila, pero kung anuman ang

statement ni Ma’am Wilma tungkol sa naging problema nina Angel at Becky (Aguila) sa network, official ‘yon at aware si Atty. Gozon doon.

"Hindi totoong nagagalit si Atty. Gozon dahil hindi kami ang nagpasimula ng kung anu-anong intriga against Angel.

"Saka ‘yung sinasabing papalitan ni Annette (Gozon-Abrogar) si Ma’am Wilma as head ng entertainment department, that’s not true.

"Intriga lang ang lahat ng mga ‘yan," pahayag ng GMA 7 executive na nakausap namin.

Nilinaw rin ng kausap namin ang isyung ang big bosses mismo ang nasa likod ng mga paninira kay Angel.

"Of course not! Hindi kami ganyan. Wala kaming mga inutusan para sirain si Angel. Hindi talaga," pahayag ng kausap namin.

Samantala, kumpirmadong hindi na si Jennylyn Mercado (isa pa sa mga alaga ni Becky) ang magbibida sa sinenobelang Pasan Ko ang Daigdig.

Ibinigay na ng GMA 7 management kay Yasmien Kurdi ang proyektong ‘yon dahil click ang tambalan nila ni JC de Vera sa Pati Ba Pintig ng Puso? at si JC de Vera ang leading man sa Pasan Ko Ang Daigdig.

***

May nag-text sa amin para ipagtanggol si Angel sa sex video kuno ng young actress na kumakalat sa mga cellphone.

Hindi raw si Angel ‘yon.

Isang porn actress daw sa Thailand ang babaeng sinasabing si Angel.

***

Nakausap namin ang isang malapit kay Becky Aguila na nagsabing nakatakdang humarap sa media ang manager ni Angel pagbalik nila ng ‘Pinas.

Hindi raw iiwasan ng controversial talent manager ang media.

Sasagutin daw ni Becky ang lahat ng isyung ikinukulapol sa kanyang pagkatao.
Jun Lalin
Abante-Tonite

No comments: