Korina Sanchez: Binibira ang kalaban ng nobyo sa pulitika
Isang hapon na nagpapatay-oras si Korina Sanchez at sumilip siya sa booth ng DZMM, kami ng kasamang Jobert Sucaldito ang naka-ere, pinakiusapan namin siyang umupo bilang aksidenteng panauhin namin sa Showbiz Mismo.
Malakas ang programs nila ni Ted Failon tuwing umaga sa DZMM, ang Tambalang Failon at Sanchez, pero iba pa rin
panauhin lang ang isang anchorwoman na may matinding paninindigan sa isang programang pang-showbiz.
Walang make-up si Korina, kaswal na kaswal lang siya, gusto nga pala naming ipaalam sa mga nagtatanong na si Ate Koring lang ang nagme-make-up sa kanyang sarili.
“Nung una, napaka-dependent ko sa mga make-up artist, pinoproblema ko ang itsura ko bago ako humarap sa mga camera for an interview.
“Pero di ba, may mga times na gahol na tayo sa oras yung kahit pag-jingle lang natin e, parang by appointment pa, dun na ako nagsimulang mag-isip na mag-aral nga akong mag-make-up!
“Bumili ako ng mga kagamitan ko, nagpagawa ako ng sarili kong box na may salamin at mga ilaw, kahit saan, dala-dala ko ang malaking make-up kit ko na yun!” sabi ng magaling at matapang na anchorwoman.
Sayang, sasandaling panahon lang na naupo sa amin si Ate Koring dahil nandun na ang kanyang sundo, hindi tuloy namin siya natanong kung gaano katotoo ang kwento na palagi niyang binibira si Senator Manny Villar sa kanyang programa dahil ito ang magiging mahigpit na kalaban ni Senator Mar Roxas na boyfriend niya sa presidential elections sa 2010.
Sayang na sayang talaga ang pagkakataon.
Cristy Fermin
Pilipino Star Ngayon
No comments:
Post a Comment