Aug 3, 2007

Joseph Bitangcol says goodbye to ex-GF Sandara Park thru text

Umalis na nga ng bansa ang Korean young actress na si Sandara Park noong August 1. Bumalik na siya sa Korea, sa kanyang bayang sinilangan.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Nagdesisyon si Sandara na iwan na ang showbiz dahil naman na raw trabahong dumarating sa kanya at wala na ring ibinibigay na projects sa kanya ang mother studio niyang ABS-CBN. Ipagpapatuloy na lang daw niya ang kanyang pag-aaral habang nagtatrabaho.

Naging boyfriend ng Korean young actress si Joseph Bitangcol for almost three years. Kaya naman

nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Poral) sa young actor para kunan ng reaksiyon tungkol sa biglaang pagbabalik sa Korea ng dating kasintahan.

Nagkausap ba sila ni Sandara bago ito umalis ng Pilipinas?

"The night before na umalis siya, text-text lang kami ng paalaman. Gustuhin ko man siyang makita o makausap ng personal, hindi ko magagawa kasi nasa taping ako that time ng Margarita," text back ni Joseph sa PEP.

Paano niya nalaman na aalis si Sandara?

"Nabalitaan ko lang sa iba na aalis na siya," sagot ng young actor. "Kaya nag-text agad ako sa kanya. Sabi niya sa akin, gagawan daw niya ako ng e-mail address para 'pag may time kami, magbalitaan na lang kami through e-mail."

Umiyak ba siya nang magpaalam sa kaniya si Sandara?

"Hindi ako umiyak. Desisyon din naman ng pamilya niya 'yon. At may kailangan din kasi silang ayusin sa Korea kaya bumalik sila doon," sabi niya.

Ngayong wala na sa Pilipinas si Sandara, hindi kaya manligaw na agad sa iba si Joseph?

"Hindi muna, pahinga muna ako. Pero tingnan din natin," pahaging niya.

Nagkakilala sina Sandara at Joseph sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest.
GMANEWS.TV

No comments: