Aug 31, 2007

Jewel Sisters makikilala na

IPINAKIKILALA ng ABS-CBN Primetime Bida ang pinakabagong singing sensation ng bansa, ang Jewel Sisters!
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Naulila sa mga tunay na magulang, pinaglayo ng tadhana, pagbubuklurin sila ng kanilang magagandang tinig at hilig sa pag-awit, upang magsama-sama sa paglikha ng musikang kay ganda!

Si Ruby ang bunso sa magkakapatid. Nahiwalay sa kanyang ate na si Emerald nang ampunin siya ni Bernard ”Pappy Berns” Bautista, isang bading na showbizreporter na nagpangalanan sa kanya bilang Kimberly Bautista. Magkikita silang muli at magiging kasama nito sa pag-abot sa kanilang pangarap. Mabait at masunurin. Hindi man ka-sing-galing ng kanyang mga ate sa pagkanta, siya naman ang nangingibabaw sa pagsasayaw.

Takot siyang tumandang dalaga, pero hindi niya alam, ang lalaking magapatikim sa kanya ng tamis ng unang pag-ibig ay nasa paligid lang niya.

Si Sapphire ang panganay sa magkakapatid ngunit maaga siyang nahiwalay sa mga ito nang magkaroon ng isang sakuna.

Itinago sa pangalang Bridget ng mga kumupkop sa kanya. Maganda at magaling makisama, itinuturing siyang kaibigan ng marami. Subalit sa kabila ng kanyang ipinapakitang galak, may malungkot na sikretong itinatatago si Sapphire.

Hilig rin niya ang pagkanta at ito ang maglalapit sa kanya sa mga naiwang kapatid. Subalit ang kagustuhan rin niyang sumikatang maaaring maghadlang para makasundo ang mga kapatid.

At si Emerald. Nahiwalay sa kapatid na si Sapphire sa aksidente, at naiwan ni Ruby sa bahay-ampunan.

Kinupkop siya ng mabait na musikerong si Cocoy Mendoza. Nanirahan sa Boracay, kasama ang ama-amahang sinuporta-han ang pagmamahal niya sa musika.

Tanging pangarap niya ang maging isang sikat na manganganta at makapi-ling ang dalawang kapatid. Magiging isang maga-ling na acoustic singer sa isang maliit na bar, subalit angmuling pagkrus ng landasng kababatang si Terrence Rodriguez, mapapansin nito ang kinang ng kanyang bituin at makikilala siya.

Ito rin ang magiging susi para muli niyang makasama ang mga mahal niya sa buhay. Subalit hindi sang-ayon ang tiyahin at manager ni Terrence na si Alberta Tuazon sa plano ni Terrence para kay Emerald.

Ayaw niyang mahahati ang atensyon ni Terrence sa pagitan niya at ni Emerald. Mula career hanggang pag-ibig, mahadlangan kaya niya ito?

Dala nila ang himig na punung-puno ng ganda at pag-ibig.

Kilalanin ang Jewel Sisters na sina Emerald, Sapphire at Ruby. Ang pinakabagong singing sensation ng bansa.

Matutunghayan niyo na ngayong Setyembre 3, gabi-gabi sa Pangarap na Bituin sa ABS-CBN.
People's Taliba

No comments: