Jennylyn, dapat nang pakawalan ni Becky
PORMAL na ibinahagi ni Ms. Becky Aguila, kasama ang tatay ni Angel Locsin na si Mr. Colmenero, ang mga napauna na nilang mga sagot sa mga isyu na ipinukol sa kanila ng GMA-7 executives na sina Red-gie Magno at Wilma Galvante.
Wala naman halos nabago at dahil, siyempre, sila ang nagsalita, natural na panig nila ang pinalabas na inapi o naapi, ang naag-rabyado at nasaktan.
Sa press conference na ipinatawag ng ABS-CBN para kina Ms. Becky, lumabas na
rin ang matagal nang napag-uusapang isyu ng paglilipat-tahanan ni Angel Locsin.
Hihintayin na nga lamang daw na dumating ang aktres mula sa pag-aaral nito ng fashion designing sa London, then pormal na rin itong pipirma sa kontratang sa paglalarawan ni Ms. Becky ay mas maganda, mas ma-ayos at mas mayroon silang ‘kontrol.’
Tunay nga namang ginawa nang malaking isyu ang paglilipat- network ni Angel, as if ganun na nga siya ka-superstar para bigyan pa ng ganung presscon.
But we understand the situation dahil labanan na ng networks ang nakasalalay dito. At dahil sa bakuran na nga sila ng Dos mananahanan, it is but pro-per to have such an ‘explosive’ welcome.
Marahil ay mahusay lang talaga sigurong mag-maniobra at gumawa ng mga senaryo ang kontrobersyal na manager, kaya’t feeling nito ay kasing-bongga na ng mga legit superstars ng Dos ang kanyang alaga.
* * *
Personally, we find Ms. Aguila’s statements on the issue too redundant. But then again, nandun na siya sa sitwasyon kung saan naki-ride-on na rin ang network kaya hala, sugod na.
Sa kanyang bibig na mismo nanggaling na wala silang laban sa anumang planong gawin sa kanila ng Siyete after the issue kaya naghanap na sila ng makakapitan, and this time ABS-CBN nga.
We just find it too irritating and annoying to hear Ms. Becky from saying “Christian network” (in reference to GMA-7) patungkol sa imahe sa kanila ng GMA-7 and yet sa paki-ramdam nila ay hindi ma-ka-Kristiyano ang ginawa sa kanila?
Gustung-gusto na naming ibalik sa kontro-bersyal na manager ang kanyang pagpapatungkol sa network (gawaing Kristiyano) dahil paano naman kaya niya ilalarawan ang ‘ganting-aksyon’ kundi man mga nauna nang ginawa nila laban sa GMA- 7?
Nakakikilabot namang pakinggan ang paggamit niya ng salitang ‘anghel’ para ilarawan ang panig nila.
Feel na feel na rin sana naming i-suggest kay Ms. Aguila na kung talagang pinahahalagahan niya ang kanyang pagka-Kristyano, the best Christian act that she could do is to let go off Jennylyn Mercado, who is having quite a great career path under GMA- 7, bago pa man sumabog ang isyu.
Umaasa siyang magiging maka-Kristiyano pa rin ang turing sa mga naiwan niyang alaga sa Siyete, gayung sa personal na-ming pananaw ay malaking question mark mismo ng pagiging ‘Kristyano’ ang ginawa nila!
Hindi naman yata gawain at imahe ng isang mabuting Kristyano ang mamayani at ‘angkinin’ ang lahat. She has to make sacrifices. Ganyan ang aral ng isang Kristyano!
Hindi naman yata puwedeng pinili na niyang ipaglaban ang isang Angel Locsin, tapos gusto pa rin niyang hakutin at dalhin ang lahat ng talents niya sa isang ‘kuwadra’ na kung tutuusin ay nag-uumapaw na rin sa dami ng talents.
Ano ‘yun, package deal?
Here’s just expressing our opinion after we hear GMA-7's executives and yes, after hearing Ms. Becky Aguila’s litany of woes. Nasa mga nagbabasa, nakikinig, nakakapanood at sumusubaybay sa isyu naman ang huling paghuhusga.
Their long journey to whatever superstardom they dream to have under the wings of ABS-CBN is yet to start. Wish lang namin na hindi naman sana sila lumilipad nang sobrang taas!
Bb. Wendy
People's Taliba
No comments:
Post a Comment