Aug 28, 2007

Hindi banned si Karylle sa taping ng Marimar

Klinaro ni Karylle na hindi siya banned sa taping ng Marimar ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes at ang kapareha ng kasintahan na si Marian Rivera na kasalukuyang madalas gawin sa iba't-ibang lugar sa Zambales.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Nasabi niya ito noon last Friday over dinner sa kanilang bagong negosyo ni Dingdong, ang Centerstage Family KTV, na nasa Timog Circle, Quezon City.

Naiintindihan niyang parte ng promo ng Marimar ang mga intrigang nagkaka-igihan na sina Dingdong and Marian.

Itinanggi din ni Karylle ang napa-balitaang pag-komento ng kanyang ina na si ZsaZsa na "on the verge (of breaking up) pa lang ba?" sina Karylle at Dingdong, na allegedly ay dinugtungan pa nito ng “‘wag na nilang gamitin ang anak ko.”

“I asked her (Zsa Zsa), eh. Hindi raw niya sinabi ‘yon. Kasi parang policy na namin ‘yon, actually, it’s not a policy naman, but usapan na namin na kapag may ganu’ng issues na lumalabas, dapat tanungin agad ‘yung tao. Baka naman kasi na-misinterpret lang, hindi narinig or what.

“Pero wala talaga. Ang sabi, it happened during our soft opening. Nasa baba ang mom ko noon, paakyat pa lang siya, but she knows we’re okey and nandito si Dong sa taas,” depensa pa ni Karylle sa ina.

Nagkataon lang na may Marimar taping ito that night, kaya hindi naka-join.

“But we make it a point to be together naman kapag ganitong pareho kaming maraming trabaho. Ang tawag namin doon, ‘nagbabaon kami.’ Meaning, we make trips and spoil ourselves sa bakasyon,” kuwento ni Karylle.

Katunayan, kamakailan lamang ay galing sila sa Hong Kong at Boracay.

No comments: