Aug 3, 2007

GMA Artist Center on Jennylyn: 'Aalagaan namin siya'

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang head ng GMA Artist Center na si Yda Henares at tinanong namin kung ano na ang magiging lagay ng career ni Jennylyn Mercado na contract artist ng naturang talent arm ng GMA-7. Tulad ni Angel Locsin, isa rin kasi sa mga talents ni Becky Aguila si Jennylyn.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sinabi ni Yda na wala raw dapat na ikabahala si Jennylyn dahil may mga trabaho naman daw na nakalaan para sa kanya sa GMA-7.

May mga naglabasang balita kasi na nakansela raw lahat ng guestings ni Jennylyn

sa GMA-7 at ang dapat na pagbibidahan niya na Pasan Ko Ang Daigdig ay napunta na kay Yasmien Kurdi.

Ayon kay Yda, desisyon daw ng GMA-7 management ang mga magiging projects ng mga contract artists ng Artist Center. Hindi raw sila nakikialam sa anumang desisyon ng nakakataas. Pero lahat naman daw ng mga artists nila ay may mga trabahong maaasahan.

"In the case of Jennylyn, she has nothing to worry about kasi may naka-lineup na trabaho for her. Inaayos pa kasi naming lahat. Unang-una, may kontrata naman siya sa amin and we will honor that.

"Jennylyn is one of the station's important stars. She was the first StarStruck winner and kahit anong mangyari, aalagaan namin siya. Hindi naman siya dapat madamay sa anumang nangyayaring hindi maganda between the station and her manager. Let's set aside ‘yung kay Jennylyn because masipag naman ‘yung bata and she can deliver naman kaya huwag siyang mag-alala," paniniguro ni Yda.

Dagdag pa ni Yda, hindi na raw kailangan pang magkaroon ng "loyalty check" mula sa kanilang mga contract artists. Mahirap na raw ‘yung iisa-isahin pa nila ang mga ito. Basta nagbigay sila ng tiwala, bahala na raw ang mga artista nila na irespeto ang tiwalang iyon.

"Malaki ang trust na ibinibigay namin sa mga artist namin and alam naman namin ang loyalty ng bawat isa. Now, kung tapos na nga ang kontrata nila sa Artist Center and they don't want to renew, wala na kaming magagawa roon. We will respect that as well.

"Marami namang artista ang GMA-7 and we have plans for all of them. Hindi naman namin sila bibigyan ng kontrata if we don't find anything promising sa kanila. Mas rewarding kasi ‘yung patience and lots of hardwork."

Hindi na nag-comment pa si Yda sa nababalitang paglipat din ng isa pang alaga ni Becky na si Valerie Concepcion sa ABS-CBN. Tanging nasabi lang nito ay tapos na rin kasi ang kontrata nito sa kanila.
GMANEWS.TV

1 comment:

Anonymous said...

I hope Jennilyn will remain at GMA so we can still seen her through Orbit Channel here in Qatar.