Aug 12, 2007

GMA-7's Marimar: Alfie Lorenzo praises Marimar

SIGE, IKEMBOT MO! IGILING MO PAH!
Production design pa lang nang pinagdausan ng presscon ng Marimar, ng GMA-7, nagustuhan na namin agad. Mexican man ang tema ng istorya, pero Hawaiian ang naging drama sa paligid, with matching taga-tambol pa, kaya tuloy parang luau ang party.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Everytime na dumadalo kami sa imbitasyon ng mga bagong shows ng GMA-7, sadyang enjoy kami sa importansyang ibinibigay nila sa bagong produksyon nila and in full regalia pa ang lahat ng characters, kaya enjoy pati na mga reporters na dumadalo rin.

Eh, bakit ‘yang iba riyan, kung magdaos ng presscon halos lihim at pabulong ang

imbitasyon, kaya madaling magsitakas ang mga naabutan na ng press kits.

Ilang magagandang teleserye na ba ‘yan ng GMA-7 na presscon pa lang may ideya ka na kung anong mapapanood ng publiko - no wonder they’re such a hit among televiewers.

Mulawin, Encantadia, Asian Treasures, ilan lang ‘yan sa mga kinaaliwan namin na presscon na dinaluhan namin.

Pati nga ‘yung "StarStruck, nila kumpleto ang stage and production design.

Tumabi nga sa upuan namin ang isa sa big bossing ng GMA-7 na si Wilma Galvante. But we never talked about Angel Locsin.

Marian RiveraTama nga naman ‘yun, she’s not much of a loss - but look at their gains now, si Marian Rivera na for a while overlooked sa GMA-7 at papel ng ina ang naibibigay sa dalaga, who soon emerged as the lovely Pinay Marimar.

Such transformation. Buti na lang bago nag-ober da bakod ang dalaga ay nakita na ang potential nito para maging big star at madebelop nang husto ang iba pa nitong talento.

Sa movements pa lang ng Marian Rivera na ito, tiyak na magreretiro na nga si Thalia, ang orig na Marimar, na pinataob ng "Esperanza" ni Juday noon.

Aba, kung sa anyo at development ni Juday ngayon na mas seksi pa kay Thalia, kung ngayon gagawin ang tapatan, eh tiyak na kakain ng buhangin at alikabok ang Thalia na ‘yan, noh!

So let’s welcome another sensational star in Marian Rivera! Yeah, ikembot mo Marian! Ikembot mo! Igiling mo pah!

And with the presence of Mexican-goodlooking leading men the likes of Richard Gomez, Jestoni Alarcon and Dingdong Dantes, panalo na ‘yang "Marimar" na ‘yan, Julie Ann Benitez!
Alfie Lorenzo
Abante

Many thanks to Jay Ablante for the photo.

No comments: