Aug 13, 2007

Fulgoso, mas superstar kay Marian!

NAGHIHINTAY lang ng magandang tiyempo si Direk Joyce Bernal para kausapin at ayusin ang gap nila ni Judy Ann Santos. Kamakailan nga ay inamin ni Juday na may gap sila ni Direk Joyce, at sabi ng director, naiintindihan niya ang posisyon o nararamdaman ni Juday.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Anyway, tumatanggi na si Direk Joyce na magkuwento pa sa tunay na pinag-ugatan ng away nila ni Juday. Ayaw raw niyang lumaki pa ang isyu.

Hinihintay na lang ni Direk Joyce na lumamig ang sitwasyon, o wala na ang tension sa pagitan nila ni Juday, at doon niya ito kakausapin.

Siyanga pala, pinanindigan ni Direk Joyce ang

pahayag niya na mahirap idirek ang baguhang artista na si Fulgoso sa Marimar.

"Totoo talaga, dahil kailangan pa naming hintayin na okay at maganda ang mood niya para mag-taping kami. Hindi mo siya mapipilit kung ayaw niya, o gusto niyang magpahinga at maglaro lang.

"Ang problema kasi, hindi alam ni Fulgoso na artista siya. Eh, hindi mo naman siya puwedeng pagalitan dahil baka magtampo pa, at mas lalo kaming mahihirapan.

"Sa totoo lang, hindi si Marian Rivera ang superstar sa taping namin kundi si Fulgoso," nakangiting kuwento ni Direk Joyce.
Rey Pumaloy
Abante

No comments: