Aug 8, 2007

Bf ni Dra. Vicki Belo, inaabangan na sa ‘Celebrity Duets’

Maaga akong umu­wi noong Lunes dahil malakas ang ulan. Umuwi kaagad ako pagkatapos ng meet­ing namin sa Startalk kaya hindi ko na napa­nood ang taping ng Celebrity Duets.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
May nagkuwento lang sa akin na masaya ang taping at base sa reaksyon ng mga na­nood, magiging bong­ga ang rating ng pina­kabagong reality TV show ng GMA 7.

Nanghihinayang ako dahil hindi ko na­panood ang pagkanta ni Papa Hayden Kho, ang doctor-boyfriend ni Dra. Vicki Belo.

Contestant sa Ce­lebrity Duets si Papa Hayden

at tulad nang sinabi nito sa presscon, hinarana niya si Dra. Belo kaya kinilig-kilig ang audience.

Ten weeks ang ita­tagal ng Celebrity Duets. Hindi ako mag­tataka kung hindi muna pumunta sa abroad si Dra. Belo dahil kaila­ngan niyang suporta­han ang singing career ng kanyang Papa Hay­den.

Pamilyar si Papa Hay­den sa mga fash­ion de­ signer dahil ramp model siya bago na­ging doktor.

Una kong na-meet si Papa Hayden nang isama siya ni Dra. Belo sa stu­ dio ng Startalk. Wala pa silang relas­yon noon.

Guest namin si Ara na prob­le­matic noon sa lovelife nila ni Jomari Yllana. Tinukso ko pa si Ara na magpaligaw na lang kay Papa Hay­den pero iba pala ang gusto nito, si Dra. Belo na nagmukhang bagets at blooming mula nang maging boy­friend niya ang matangkad at papable na doktor!
Lolit Solis
Pilipino Star Ngayon

No comments: